23rd Fall

204 13 0
                                    

Reward

I really love playing musical instruments since I was young. Hindi ako nagsisisi na inubos ko ang oras ko sa pakikinig sa pagturo sa akin ni mommy kaysa sa makipaglaro sa mga batang kaedaran ko. Kaya nang matutuhan ko ang lahat ng instrumentong maaaring ituro sa akin ni mommy, naging laman na lamang ako ng bahay at palaging hawak ang gitara o kaya naman ay piano. At nang magkaroon ng music club sa school na pinapasukan ko ay hindi ako nag-alinlangang sumali.

Mom taught me to love music reason why I easily hated it when I learned that she cheated on my father. Simula noon ay hindi na ako muling humawak ng kahit na anong bagay na kayang lumikha ng musika. Hindi na rin ako nakinig sa kahit na anong kanta. Dahil ayokong maalala ang mga bagay na tinuro sa akin ng nanay kong piniling sirain ang pamilya namin.

At ngayong nalaman kong hindi iyon totoo at may sakit pala siyang matagal na itinago sa amin ay nagpasakit sa puso ko. Labis na pagsisisi ang naramdaman ko at hindi ko alam kung paano ko nakanayang gawin ang lahat ng iyon. Pinaniwala ako ni daddy sa kasinungalingang sinabi niya sakin.

Iyak lang ako nang iyak nang gabing iyon hanggang sa makatulog ako. Nagising na lang ako nang maramdamang may gumalaw sa tabi ko. Pagmulat ko ng mata ay nakita ko si Adrian na nakaunan sa sofa na pinaghihigaan ko. Sa pagkabigla ay mabilis akong tumayo na mukhang ikinagising niya. Nagsalubong ang mga mata namin.

“Gising ka na pala.” Kusot ang matang sabi niya. Nagsalubong ang kilay ko.

“I saw you sleeping here last night. Naisip kong bantayan ka muna pero nakatulog na pala ako.” Paliwanag niya. Nag-iwas ako ng tingin.

“Are you okay?” Malambing na tanong niya. Mabilis lamang akong tumayo at dumiretso na sa aking kwarto. Nang makapasok ako sa loob at makita ang repleksyon ko sa harap ng salamin ay halos mapamura ako. Maga ang mata at magulo ang buhok. I look wasted.

Matapos kong maligo ay sa kusina naman ako. Kailangan kong magluto para sa pagkaing ihahatid ko sa ospital para sa kapatid ko. Nakatanggap ako ng mensahe sa kanya kaninat at sinabing hindi muna siya uuwi. Dadalhan ko na lang siya ng damit at pagkain. Hindi ko namalayan na habang nagluluto ako’y tumutulo na pala ang luha ko. Nakita ko si Adrian na nakatitig sa akin at mabilis kong pinalis iyon.

“What is it, Fall? Are you really fine?” Lumapit siya sa akin. Pag-aalala ang makikita sa kanyang mukha.

“Yeah.” Sabi ko at mabilis na nag-iwas ng tingin. Sinundan niya ako.

“I know you’re not.” Sabi niya matapos niyang hawakan ang aking balikat at paharapin sa kanya.

Mariin kong pinikit ang aking mata upang mapigilan ang sarili na mapaiyak. Sobrang bigat ng nararamdaman ko at ang simpleng pag-aalala niya’y nagtutulak sa akin para ilabas ang lahat ng iyon. Pero iyon ang ayaw kong mangyari.

“I am!” Sigaw ko. Minulat ko ang aking mga mata at nakitang mas lalo lamang siyang nag-alala sa akin. Ilang saglit niya pa akong tiningnan.

“Okay, hindi kita pipilitin pero, Fall, I will be here.” He smiled at me as an assurance. Tiningnan ko ang kamay niya na nasa balikat ko at mabilis niya naman itong tinanggal.

Tinatagan ko ang loob ko na ‘wag mapaiyak habang tinatapos ang pagluluto at pag-aayos ng gamit ni Forest lalo na’t nasa paligid lang si Adrian at maaari niya akong makita. Nakalabas a ako ng kwarto ni Forest at isinisilid na sa bag ang Tupperware na naglalaman ng pagkain niya nang magpakitang muli si Adrian sa akin.

“Ihahatid na kita.” Sabi niya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at nakitang bihis na bihis siya. Hindi ko alam kung alam niya na o ano pero kung alam niya na nga’y hindi ko alam kung kanino niya maaaring malaman iyon.

Fall (In Luv Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon