Ulan
Nagising na lang ako kinaumagahan na masakit ang ulo ko. Agad akong napahawak sa aking ulo pagtayo ko. Nang mawala ang kumot sa itaas ng aking katawan ay ‘tsaka ko lang napansin na wala nga pala akong suot na kahit ano. Muntik nang mawala sa isip ko ang nangyari kagabi.
Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto pero walang bakas niya rito sa loob. Saan na kaya nagpunta ang lalaking iyon? Hindi ko na rin pala namalayan na nakatulog ako at kung tumabi ba siya sa akin o lumabas ng kwarto. Binalot ko na lang ang aking sarili ng kanyang kumot at kinuha sa ibabaw ng mesa ang maayos na nakatiklop ko nang mga damit at lumabas na ng kwarto.
Kasasara ko pa lang ng kanyang pinto nang magkasalubong kami. I awkwardly avoided his gaze and excused myself.
“Nakahanda na ang breakfast sa baba. I will wait for you there.” Walang bahid ng pagkailang ang boses niya kaya tumingin ako sa kanya. Nagpatuloy siya sa pagbaba habang ako nama’y pinagmasdan ang kanyang malapad na likod.
Wala lang sa kanya ang nangyari kagabi. Ano bang inaasahan mo, Fall? Kumpara sa’yo ay sanay na sa ganito ang lalaking iyon kaya ‘wag ka nang magtaka kung hindi niya nararamdaman ang awkwardness na nararamdaman mo ngayon. At natural ang pagkailang mo. Unang beses mo iyon kagabi. At sa kanya pa na kasama mo sa bahay. Walang mali sa nararamdaman mo.
Dumiretso na ako sa banyo pagkakuha ng malinis na damit sa kwarto. Habang bumubuhos ang mainit na tubig mula sa shower ay hindi ko maiwasang alalahanin ang nangyari kagabi. We almost did it. At tumigil lamang siya dahil sa luha ko. Or maybe not?
Umiling ako. Marahil ay hindi iyon ang dahilan. Hindi niya na siguro kayang ipagpatuloy dahil kumpara sa ibang naikama niya, walang-wala ako—.
Mabilis akong umiling dahil sa iba’t ibang dahilan na naiisip ko. But maybe it’s the latter. Imposible namang tumigil siya sa kalagitnaan dahil lamang sa luha ko? Hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya.
“I’m sorry. Hindi dapat ako nagtake advantage sa kahinaan mo.”
Muli akong umiling nang maalala ang huling sinabi niya kagabi. No, Fall. Walang konsensya ang lalaking iyon.
Matapos kong maligo ay pumunta na nga ako sa dining. Nandoon na siya at kumakain ng hinanda niyang agahan. Nakapagtataka, ngayon ko na lang ulit siya nakitang naghanda ng almusal.
Kumuha na ako ng sarili kong plato at sumandok ng fried rice. Kumuha na rin ako ng hotdog and egg na ulam na niluto niya. Isusubo ko na sana ang hotdog na nakatusok sa aking tinidor nang maalala ang kanya.
“Fvck—“ Sabi ko nang malaglag ang tinidor na hawak ko. Nakita kong napatingin siya sa akin at sa aking bahagyang nakaawang na bibig kaya agad ko iyong tinikom at pinulot ang nalaglag. Itinabi ko iyon at kumuha ng panibago.
“Are you alright?” Tanong niya. May pag-aalala sa kanyang boses. Tumango lamang ako nang hindi tumitingin sa kanya.
Hindi ko nagawang kumain ng maayos dahil nauna siyang matapos sa akin at talagang hinintay niya rin akong matapos. Pinapanood niya ang bawat galaw ko kaya kahit gusto ko pa sanang kumain ay pinili kong tapusin na agad iyon.
“Fall…” Napatigil ako sa kalagitnaan ng aking pagtayo nang banggitin niya ang pangalan ko. Muli ko na namang naalala ang paraan ng pagtawag niya sa akin kagabi. Stop this, Fall! Ano bang nangyayari sa’yo?
“Oh?” Tanong ko. Hindi pa rin magawang tumingin sa kanya.
“Sorry sa nangya—“ I stopped him mid-sentence.
“Okay lang. Kalilimutan ko ang nangyari kagabi. Don’t worry.” Mabilis kong sabi at niligpit na ang aking pinagkainan.
Kinakalimutan ko na nga ang nagyari, bakit kailangan pang ipaalala na naman? Para ano? Para sabihin sa akin ng harap-harapan na hindi siya natuwa sa kooperasyon ko kaya tumigil siya? Tss.
BINABASA MO ANG
Fall (In Luv Series#2)
RomanceFall In Luv Series #2 (COMPLETED) BTS Jungkook and Blackpink Jennie's fanfiction chinieanne's story line All rights reserved --- Fall Francheska Del Monte is one of the famous international model. Others think that she got almost of it all--money, b...