7th Fall

299 23 0
                                    

Matured

Imbis na matinag sa sinabi ko'y nagpatuloy siya sa pagpasok sa loob. Nilapitan niya ako kung saan ako nakaupo at inabot sa akin ang dala niyang teddy bear. Tinitigan ko lang iyon.

"Matagal tayong 'di nagkita so I guess tama lang na bigyan kita ng gift?" Nakangising sabi niya. Tinapunan ko siya ng masamang tingin bago nagtaas ng kilay.

"Akala ko ba naging malinaw sa'yo ang sinabi ko na ayaw kong makipag-kaibigan kahit kanino." Bakas ang iritasyon sa boses ko. Nawala ang ngisi niya 'tsaka tumango-tango.

"Malinaw sa akin 'yon, Fall. Pero hindi ko mapipigilan ang sarili ko na makita ka. So hindi ko maipapangako na masusunod ko ang kagustuhan mo." Hindi ako makapaniwala! Napanganga ako sa sinabi niya. At mukhang nasisiyahan pa siya sa pagkainis ko at nagawa niya pang ngumisi. Great, Adrian! Start my day like this.

"Tanggapin mo na ang teddy bear na ito. Kapatid ito ni Minzy, si Casper." Ngiting-ngiting sabi niya habang inilalahad ang hawak niya. Napailing ako. Ibang klase talaga ang lalaking ito. Nang mapansin niyang wala akong balak kunin ang teddy bear ay nilapag niya iyon sa table sa gilid ko.

"And you know why I named that teddy bear as Casper?" Umarko ang kilay ko.

"Wala akong pakialam—"

"Because just like Casper, the ghost, gusto kong multuhin ka niya ng pagmamahal ko." Seryosong banat niya dahilan para mapapikit ako sa ka-cornyhang taglay niya. Gusto ko siyang sipain palabas ng kwartong ito.

"Can you... can you please leave this room?" Nagtitimping sabi ko. Tumango naman siya habang tuwang-tuwa pa rin sa binitawan niyang banat. Madali naman siyang kausap at naglakad na palabas.

Ngunit akala ko'y wala na siya nang marinig kong muli ang boses niya.

"See you later, Fall! We'll finally work together... and I'm hoping for the both of us to work, as well." Huling banat niya bago ko umalingawngaw ang halakhak niya. Hindi ko kaya ang ugali ng lalaking iyon.

Ilang minuto pa'y nagsimula na ang photoshoot matapos maibigay sa akin ang mga damit na susuotin ko.

Nasa waiting area na ako at hinihintay na matapos makuhaan ang buong Boy In Luv. Mula rito sa pwesto ko'y kita ko ang bawat miyembro na seryoso sa kanilang ginagawa. Sunod-sunod ang naging click ng camera habang sunod-sunod din ang poses nila. Napako ang tingin ko sa isang miyembro na seryosong inilagay ang kanyang kamay sa likod ng kanyang batok. Suot-suot nito mula pa kanina ang malaking itim na sombrerong dahilan kung bakit nagaaw niya ang atensyon ko nang ipakilala sila sa akin isa-isa.

Kung tama ang pagkakatanda ko, mula sa kaliwa ay si Rhein—ang anak ni Mr. Alcantara na nagmamay-ari ng Serendipity, sumunod ay si Niccolo na may kulay orange na buhok, sunod ay si Rendel na may maamong mukha kumpara sa mga kagrupo niya na mukhang mga playboy at ang tinutukoy kong nakaagaw ng atensyon ko, sunod ay ang mokong na si Adrian, Vlad, Suga at Jeff na kapwang nakilala ko na sa bar noong nakaraan.

 Alcantara na nagmamay-ari ng Serendipity, sumunod ay si Niccolo na may kulay orange na buhok, sunod ay si Rendel na may maamong mukha kumpara sa mga kagrupo niya na mukhang mga playboy at ang tinutukoy kong nakaagaw ng atensyon ko, sunod ay ang m...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Fall (In Luv Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon