Dati
He hugged me. At hindi ko inaasahan iyon.
Hindi agad ako nakagalaw. Damang-dama ko ang katawan naming dalawang sobrang magkalapit na pati ang paghinga ko'y hinawakan ko. Mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa aking beywang dahilan para itulak ko siya palayo pero mas lalo niya akong nilapit sa kanya.
"Adrian!" Sita ko. Pinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat.
"Just this once, please..." Mahina ngunit puno ng kalungkutan ang kanyang boses nang sabihin niya iyon. Natigilan din ako sa paggalaw upang makalayo sa kanya. Hearing him saying those words made me want to comfort him.
Hindi ko namalayan pero dahan-dahan ko na ring inalo ang kanyang likod. Wala akong narinig na hikbi o naramdamang tumulong luha sa aking balikat pero alam kong sobrang lungkot niya. Mas siniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Sa ginawa niyang iyon ay mabilis akong nailang. Pero mabuti na lang at hindi ako pinagpawisan matapos maligo kanina bago magtungo sa kama. I smell nothing, right?
Ilang saglit pa ang tinagal ng kanyang yakap hanggang siya na mismo ang bumitaw.
"What's wrong?" Bulong ko. Unti-unti kong nakita ang halos hindi ko makilalang ekspresyon sa kanyang mukha. Saglit na nagsalubong ang mga mata namin ngunit agad din siyang nag-iwas. Tiningnan ko lamang siya. Sumulyap siya sa pinaglagyan ko ng kanyang gitara.
"Marunong ka pala maggitara?" Tanong ko na lang. Mukhang wala siyang balak na ibahagi ang problema niya. At para hind imaging awkward na kaming dalawa lang ang nandito, mabuting tanungin ko na lang siya.
"Yeah..." Mahinang sagot niya. Tumango-tango ako.
Maya-maya'y kinuha niyang muli ang gitara at pinatong niya sa kanyang binti bago muling nag-strum. Nangunot na ang noo ko. Kanina niya pa paulit-ulit ginagawa iyon.
Pero hindi na ako nagtanong. Umayos na lang ako sa pagkakaupo sa kanyang tabi. Pinakikinggan ang musikang nililikha ng kanyang gitara.
"I miss her." Sa sinabi niyang iyon ay naagaw niya ng buo ang aking atensyon. Tiningnan ko siya. Nakatingin siya sa kanyang mga kamay na nags-strum.
"Sino?" Alanganin kong tanong. Hindi ko alam kung hihintayin ko na lang ba siyang magsabi o magsasalita pa ako. Pero nasabi ko na.
"Si lola. I miss her." Saglit na nagproseso sa isip ko ang sinabi niya. Lola? May lola pa siya?
"Kung gano'n bakit hindi mo bisitahin? Kung nami-miss mo, 'diba dapat lang na puntahan?" Isang strum ulit ang ginawa niya bago ngumisi.
"If only I can." Umarko ang kilay ko.
"Bakit naman hindi? Kasi busy kayo ngayon? May ibang araw pa naman a?" Napangiwi na ako. Kung iyon lang pala ang inaalala niya mula kanina, sana nagpunta na siya roon.
"Pero wala nang ibang araw. It's her last day today. Ni hindi ko man lang siya nakita sa huling pagkakataon." Sa sinabi niyang iyon ay napatakip na ako sa aking bibig. Nabigla ako. Tama ba ang pagkakaintindi ko?
"You mean..." Hindi ko tinapos ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung tama bang...
"Kahapon lang sinabi sa amin ni tito ang pagkamatay ni lola. Nasa US sila at hindi naman na kami makakapunta roon ng agaran lalo na't ngayon din siya inilibing. Sobrang lapit pa naman namin ni lola. Pero hindi ko man lang siya nakita." Sobrang lungkot ng boses niya nang sabihin iyon. Sino nga naman bang hindi 'diba?
Awtomatikong nagtungo ang aking kamay sa kanyang likuran upang aluhin siya. Tinapik-tapik ko ang kanyang likod.
"She really loves to hear me play this guitar. So I'm trying to play it for her for the last time." Iyon naman pala. Kaya mula kaninang umaga'y hawak niya ang gitarang ito.
BINABASA MO ANG
Fall (In Luv Series#2)
Любовные романыFall In Luv Series #2 (COMPLETED) BTS Jungkook and Blackpink Jennie's fanfiction chinieanne's story line All rights reserved --- Fall Francheska Del Monte is one of the famous international model. Others think that she got almost of it all--money, b...