Nasanay
Hindi ko pa man natatapos ang almusal ay nahiga na naman kami sa kama. Sobrang saya niya na kahit alam niyang kumakain pa ako ay kinulong niya na ako sa kanyang braso at tinangay pabalik sa kama. Mangangalahating oras na rin kaming magkayakap at walang ginagawa. We're just staring at each other while feeling the beat of each other's heart.
"We need to get up." Turan ko habang nakasuksok ang ulo sa kanyang leeg.
"Hmm?" I felt the vibration when he spoke.
"May event akong pupuntahan diba? Tsaka..." Kumawala ako sa yakap niya at tiningnan siyang diretso sa mata.
Hindi ko pa rin nababanggit sa kanya ang tungkol sa pagbabalik ko sa bahay namin. And I think this is the right time to talk about it.
Isang nakangiting mata ang sumalubong sa akin. Hindi ko talaga alam kung bakit masyadong madaling basahin ang nararamdaman ng lalaking to. Like he's not the kind of keeping his emotions and feelings just like other guys. He's open with his emotions and I think it's his own charm. Hindi niya na kailangan pang sabihin ng paulit-ulit ang nararamdaman niya dahil kitang kita na iyon sa kilos at mga mata niya.
"This will be my last stay here. Babalik na kami ng kapatid ko sa bahay namin dati." Naging malambing ang boses ko pagkasabi no'n. Agad namang kumunot ang noo niya.
"What?"
"Matagal na naming napag-usapan iyon. Hindi ko lang nasabi sa'yo because of your busy sched." Hinawakan ko ang pisngi niya nang tangkain niyang umiwas ng tingin.
Ilang saglit kaming nagtitigan bago ako muling nagsalita.
"Sorry kung nagulat kita dahil biglaan. Pero sana maintindihan mo? We're finally fixing our family issues and..."
"Babe," Naging malalim ang boses niya habang seryosong nakatitig sa akin. Ngumiti lang ako habang nakatingin sa kanya't naghihintay ng susunod niyang sasabihin.
Imbis na magsalita ay niyakap niya ako't kinulong muli sa kanyang yakap. Mahigpit iyon na konti na lang ay nakasasakal na. Ngunit alam kong iba iyon...
"Adrian," Tawag ko.
"Babe. Call me babe." May awtoridad na turan niya.
"What?" Awtomatiko kong reaksyon habang nakataas ang kilay. Kumawala ako sa yakap niya't pinagtaasan siya ng kilay.
"Anong gusto mong itawag ko sa'yo?" Pag-uulit ko. Nanatili lamang ang kanyang ekspresyon.
"Bakit? Ayaw mo? Iyon na nga lang ang pampalubag loob na ibibigay mo sa akin a?" Magkasalubong ang kilay niya na tila naiinis. Imbis na mainis din sa kanya ay napangiti ako.
"You mean okay na sa'yo?" Ngiting-ngiting tanong ko. Pinigilan niyang hindi mangiti ngunit tinraydor din siya ng sarili niya.
"Ano bang magagawa ko? Dapat nga'y matagal mo nang inayos ang gusot sa inyo. I hate seeing you sad and having hatred in your father." He brushed my hair after saying those words. Wala akong ibang naging reaksyon kundi ang pumikit at damhin ang haplos na ginagawa niya. Sa ganitong mga pagkakataon ko nasasabing hindi sayang ang pagtake risk ko. He's a wonderful man to keep. He deserved to be loved back. And I'm lucky enough for him to love me.
Hinatid niya ako sa event kahit na ang araw na ito ay dapat na pahinga niya. Minsan lang sila mawalan ng practice at dapat ay nagpapahinga siya. Pero bilang siya, mas gugustuhin niyang sayangin ang araw niya kasama ako.
Natapos ang event na nakasunod lang siya sa akin. Hindi kami pwedeng makitang magkadikit kaya pansin na pansin ang layo ng agwat namin sa buong oras na iyon. Kilala na siya bilang manliligaw ni Celine. Ayaw ko man, wala akong magagawa. Iyon ang naging kaparusahan niya sa hindi pagdalo ng ilang event nila noon. Kailangan nilang pagtakpan ang pagkawala ni Adrian at ang pagde-date nila ni Celine ang naging sagot. Pareho silang under ng iisang company kaya hindi na naging mahirap na isakatuparan ang kasinungalingan.
BINABASA MO ANG
Fall (In Luv Series#2)
RomanceFall In Luv Series #2 (COMPLETED) BTS Jungkook and Blackpink Jennie's fanfiction chinieanne's story line All rights reserved --- Fall Francheska Del Monte is one of the famous international model. Others think that she got almost of it all--money, b...