Crush
Hindi ko alam kung blessing in disguise bang maituturing ang pagkakaroon ko ng allergies. Hindi na ako kailangang pilitin pa ng kaibigan ko na isali ako sa kinaayawan kong pageant.
Paggising ko kinaumagahan matapos ang naging date namin ni Adrian, naglabasan ang pantal sa katawan ko. At bilang concern na kapatid si Forest, nakarating agad kay kuya Paul ang pagkakaroon ko ng allergies. Note the sarcasm on that.
Bilang manager ay dinala niya ako sa ospital para malaman ang naging sanhi noon. Sabi ng doctor ay dahil sa allergy ko sa seafoods. Agad akong binungangaan ni kuya Paul dahil doon. Alam ko naman daw na bawal sa akin ang seafoods, bakit kailangan pa raw akong tumikim. Wala naman akong naging panlabang katwiran sa kanya. Miski ako'y hindi alam kung paanong nakakain ako ng seafood. Hindi ko matandaang kumuha ako sa calamares at squid ball ni Adrian.
Binigyan ako ng reseta ng doctor sa magiging gamot ko kontra allergy. Hindi rin ako nakapasok sa buong araw na iyon kaya malamang ay may nakaligtaan na akong lesson no'n. Nalalapit pa naman na ang exams. Hindi ko matatanggap kung hindi ako makakapasa.
Nakarating din kay Micah ang kalagayan ko dahil sa madaldal kong kapatid at ginawa niyang malaking issue iyon. Panay ang naging tanong niya kung ayos lang ako. Paano na raw ako makakasali sa pageant gayong huling araw na ng registration. At pinagpasalamat ko talaga na may mabigat akong dahilan para hindi pagbigyan ang gusto niyang mangyari.
"Papasok ka na ba bukas?" Tanong niya. Gabi na at nagulat akong pumunta pa siya rito sa unit para kumustuhin ako.
"Oo. Wala naman na siguro 'to. Kailangan ko lang inumin 'yung resetang gamot para sigurado." Kinuha ko sa kanya ang kanyang notebook para mangopya ng notes. At himala dahil mukhang kompleto iyon ngayon. Pinanliitan ko siya ng mata.
"May kasalanan ka na naman bang ginawa?" Hinarap ko siya. At bilang kilalang-kilala ko na ang babaeng ito, alam kong may kababalaghan na naman na ginawa ito kaya siya bumabawi ngayon. Hindi siya mahilig magsulat ng kompletong notes at imposibleng ginawa niya ito dahil lang hindi ako nakapasok.
Nag-iwas siya ng tingin bago nakakalokong ngumiti.
"Sorry, friend! Hindi ko natupad 'yung paki-usap mong 'wag ka nang ibugaw. Mapilit kasi si Adrian e." Nag-peace sign siya. Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa narinig.
Wala akong nagawa kundi ang ipikit ang aking mata upang pakalmahin ang sarili.
"At ano na namang nangyari?" Tanong ko habang hinihilot ang sintido ko.
"Ano... nagpunta kasi ulit si Adrian sa school kasi sinabi kong nagka-allergies ka. E nag-aalala siya sa'yo kaya sinabi kong kung talagang nag-aalala ka sa kanya, i-text mo o kaya tawagan." Dahan-dahang sabi niya. Hahampasin ko pa lang sana siya nang mabilis siyang tumayo at lumayo sa akin.
"Nakakainis ka, Micah! Alam mong ayaw ko nang kulitin ako no'ng lalaking 'yon tapos ganyan ka pa!" Sigaw ko. Marahas ko na lang na kinuha ang ballpen ko at kinopya ang nasa notebook ni Micah. Nakakabadtrip.
"Sige na, friend. Sorry ulit. Uwi na ako. Bye!" Narinig kong nagbukas at nagsara ang pinto sa aking kwarto bago ko pa man siya malingon. Hindi ko na lang iyon pinansin. Kung 'di ko lang talaga kaibigan iyon mula noong highschool ay malamang tinakwil ko na siya.
Abala ako sa pagsusulat nang magring ang cellphone ko. Unregistered number iyon kaya hindi ko pinansin. Nang nakailang ulit iyon sa pagtawag, napilitan na akong sagutin.
BINABASA MO ANG
Fall (In Luv Series#2)
RomanceFall In Luv Series #2 (COMPLETED) BTS Jungkook and Blackpink Jennie's fanfiction chinieanne's story line All rights reserved --- Fall Francheska Del Monte is one of the famous international model. Others think that she got almost of it all--money, b...