43rd Fall

224 9 0
                                    

Selfie

Forest gave me an okay sign after he talked to the manager of the hotel. Natatawa naman akong tumango at kinuha na ang bagahe naming pareho. Tinanggal ko rin ang aking shades at tiningnan ang pamilyar na lugar na ito. Looking at this place feels nostalgic. Hindi ko alam kung ilang taon na bang lumipas mula nang magpunta kami rito noon. At ang panahon na iyon ang labis na nakapangwasak sa puso ko. But look at us right now. We’re back with a smile on our faces. Masakit man ang nangyari noon dito, mayroon pa rin kaming dahilan para bumalik. Para bumuo ng panibagong alaala. At hindi ibig sabihin noon ay kalilimutan ang mapait na nakaraan.

“Ate, tumawag na si daddy. Tara na.” Kinulong niya ako sa kanyang braso. Iiling-iling akong bumaling sa aking kapatid. Ngayong ilang taon nang lumipas, halos hindi ko na makita ang dating siya na bata. He’s all grown up now. Malaki ang pangangatawan at natangkaran na rin ako. Kung titingnan kaming dalawa, mas mukha na siyang kuya kaysa sa akin. At ang rason na ito ang dahilan kung bakit ‘ate’ na ang tawag niya sa akin parati. Pinagmamalaki niyang mas malaki na siya ngayon.

“Sige, Four. Susunod ako.” Nakangiting turan ko bago niya ako pinakawalan sa pagkakaakbay niya at kinuha sa aking kamay ang dalawang maletang para sa aming dalawa.

Sinundan ko siya ng tingin bago napangiting muli. Naalala ang huling punta namin rito limang taon na ang nakaraan. Noon pa man, hilig niya nang ipakitang kaya niya akong alagaan at protektahan kahit na ako ang mas nakatatanda. Pinalaki siya nina mommy na responsable at maalaga. Kaya nga nagseselos ako ngayon sa girlfriend niya dahil hati na ang atensyon na binibigay niya sa akin ‘di tulad noon na ako pa lang ang babae sa buhay niya.

After a year of graduating, bumalik kami ni Forest dito sa Amerika upang muling bisitahin si daddy. Dad is back on taking care of our business. Ang lahat ng pinaghirapan ni daddy sa loob ng ilang taon niyang pagtitiis na hindi kami makasama kasabay ang ilang ipon ko’y nakabalik muli si daddy sa dati niyang negosyo at sa dati rin nitong kalagayan. Mayroon na muli siyang international branch. At dito pa rin sa Amerika kung saan nakatayo ang town house ni mommy na ngayon lang ulit namin binalikan.

Dad started to renovate our house reason why we need to check in a hotel near it. Dito rin pansamantalang tumutuloy si dad habang ginagawa ang bahay.

Habang nakaupo sa isang bench malapit sa public park, napatingin ako sa bulaklak na bumagsak sa aking libro. Kinuha ko ito at tiningala ang pinanggalingan. Nasa full bloom na ang mga bulaklak sa puno. Sinara ko pansamantala ang aking libro at pinagmasdan ang pagsayaw ng mga dahon at bulaklak kasabay ng pagdama sa malamig-lamig na hangin. I missed sitting like this and seeing the beauty of nature. For the last months, I’ve been occupied. For the last months, instead of thinking why I end up like this, I chose to focus on my career and our business.

Sinubukan kong kalimutan ang mga nangyari noon. Pero naging mahirap sa aking parte dahil kahit na anong limot ko, paulit-ulit siyang nagpapakita sa akin, sinasadya man o hindi, I keep on seeing him on every places I’m in. Marahil siguro’y nasa iisang industriya lang kami. May pagkakapareho ang line of work namin at kilalang-kilala na siya na kailangan ko siyang parating makita sa telebisyon man, billboard, print ads at mapakinggan ang boses niya saan man ako magpunta.

Sa loob ng mahigit-kumulang na isang taon, kilalang-kilala na ang grupo nilang Boy In Luv. Hindi naman na nakapagtataka dahil hindi pa man sila nagde-debut sa music industry ng Pilipinas, marami nang humahanga sa kanila. At lalo na ngayong kahit saang sulok, mapakikinggan ang mga kanta nila, hindi na nakapagtataka.

Fall (In Luv Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon