42nd Fall

187 9 2
                                    

Truth behind lies

Nasa byahe ako pauwi nang makatanggap ng mensahe mula kay Adrian. Nakikiusap na kausapin ko siya ngayon. Hindi na ako nagdalawang isip at niliko ang sasakyan patungo sa condo unit niya. He’s not attending their practice again. Paniguradong nandoon lang siya.

Fall:
I’m on my way.

Tinipa ko habang nagmamaneho at sinend sa kanya. Ilang saglit lang ay nakatanggap akong muli ng text sa kanya. Sabi niya’y magkita na lang kami sa park sa mall. Hindi na ako nagreply at balak na lang na dumiretso doon.

Bago bumaba sa kotse ay sinigurado ko munang walang bakas ng pagtangis sa aking mukha. Nilagyan ko ng powder ang mata ko upang matakpan ang pamamaga nito. Nang makuntento na sa itsura ko, lumabas na ako at pumasok sa loob ng mall.

Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko na si Adrian na nasa tabi ng fountain sa ‘di kalayuan. Nasa exit pa lang ako ng mall at nagdadalawang isip pa ko kung tutuloy ako o hindi. Handa na ba akong makipag-usap? Anong sasabihin ko? Itatanong ko ba ang nalaman ko kanina lang? Pagmumukhaing tanga ang sarili at sasabihing alam ko na ang katotohanan at naloko niya ako?

Tinitigan ako ng guard at nagtatanong sa pamamagitan ng tingin kung lalabas ba ako o hindi. Ngumiti na lang ako ng bahagya bago lumabas patungo sa water park.

Bahala na.

Habang nakatingin sa likod niya’y maraming mga bagay ang pumasok sa isip ko. Maraming senaryo ng maaaring maging pag-uusap namin ngayon ang naglalaro sa akin at hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin. Sa huli’y isang bagay lang ang sa tingin ko’y dapat. Ayokong maging talunan.

Walang ekspresyong makikita sa aking mukha nang lumapit ako sa kinaroroonan ni Adrian habang siya’y alanganing nakangiti, hindi alam kung paano makikitungo. Ilang araw na kaming ‘di nagkikita. Ngayon lang ulit.

“Thank you for coming. Gusto ko na talagang magpaliwanag sa’yo. It’s not what you think. Kai—“ Naputol ang pagsasalita niya nang pumikit ako ng mariin.

“Let’s end this game.” Turan ko bago minulat ang aking mga mata para lang makita ang naguguluhan niyang ekspresyon.

“Wh-what are you…”

“I’m here not because I want to hear any of your excuses. I’m here to end everything we’ve been playing from the start.” Minabuti kong hindi magbigay ng kahit na anong ekspresyon sa aking mukha. Pinanatili ko ang malamig kong tingin sa kanya gayundin ang hindi pagbibigay ng kahit na anong bahid ng galit at sakit sa aking boses. Nagsalubong ang mga kilay niya habang pilit na iniintindi ang mga sinabi at kilos ko.

“Anong laro, Fall? Do you think we’re playing games here?” Mababakas ang tono ng pagkairita sa kanyang boses. Tumango-tango ako.

“We both know the answer, Adrian. And I want to say sorry.”

“For what?” Kunot noong tanong niya.

“For everything. You’ve been proving your love for me ever since but all I gave you in return was pain. Matagal kong pinag-isipan ang bagay na ito. Nakokonsensya na ako sa lahat ng nagawa ko. Wala naman talaga akong balak na saktan ka pero pinilit mo ang sarili mo. Ilang beses kitang pinagtabuyan diba? Ilang beses kong sinabing hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo. But you insisted. Kaya napilitan akong paglaruan ang nararamdaman nating dalawa.” Isang hakbang papalapit sa akin ang ginawa niya at hinawakan ang kamay ko. Gusto kong tanggalin agad iyon pero hinayaan ko na lang. Ito naman na marahil ang huling pagkakataon.

“Fall, don’t say that. Alam kong totoo ang mga pinakita mo sa akin. Hindi mo kailangang magsinungaling.”

Ang mga salitang iyon ay tumusok sa aking puso. Hindi ko na rin napigilan na mabasag ang maskarang kanina ko pang suot. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay naming magkahawak. I can’t afford to look at his face. I just can’t…

Fall (In Luv Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon