Date
Wala akong nagawa kundi ang sumama sa kumag na lalaking ito. Panay ang pag-iingay ng mga nakakita sa amin kaya nakaagaw ito ng atensyon sa isang prof at nakapameywang na tiningnan kami. Wala namang naging reaksyon si kumag at hindi man lang natinag sa pagkakaluhod niya. Kaya labag man sa loob ko, hinila ko ang kamay niya para mapatayo.
"Bibigay ka rin pala." Nakangising sabi ng katabi ko. Tinapunan ko siya ng masamang tingin bago ko nilagay ang aking seatbelt.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nakakainis dahil wala akong nagawa.
"Chill. Hindi ka na mabiro." Lalo lamang lumawak ang ngisi niya. Ang sarap bigwasan nito ngayon.
In-start niya na ang sasakyan nang hindi sinasabi kung saan kami pupunta. Hindi ko na lamang siya pinansin at sinandal ang aking ulo sa salaming bintana ng kanyang sasakyan. Pinanonood ang iba pang sasakyan na mabilis na nawawala sa aking paningin.
"Business din pala ang course mo?" Napairap ako nang marinig na naman ang boses niya. Hindi ko pinansin iyon at pumikit na lang. Wala akong oras para sa chitchat.
"At pareho rin tayong fourth year. What a coincidence, right? Mukhang magkakasundo talaga tayo." Kumunot ang noo ko nang hindi pa rin siya tumigil.
"Wala ka nang klase ngayon, diba? Okay lang ba kung ako na magde-decide kung saan tayo pupunta?" Bakas pa ang saya sa boses niya. Bwiset.
Nanatili akong tahimik.
"Okay. Ako nang bahala."
Napamulat ako ng mata nang magtaka sa katabi ko. Ako ba ang kinakausap nito? Pero wala akong sinasagot. Saan nanggagaling ang sinasabi niya kung ganoon?
Dahan-dahan kong nilingon ang aking ulo patungo sa kanya at nakitang nakangiti siyang nagmamaneho. Wala naman siyang hawak na cellphone o kahit na anong pwedeng pangtawag para makausap. And hello! Kaming dalawa lang ang tao rito. O baka may mga bagay siyang hindi ko nakikita at nakakausap?
Nagulat ako nang bigla niya akong nilingon ng nakangisi.
"Nagagwapuhan ka na ba?" He said before giving me a wink. Awtomatikong umarko ang aking kilay.
"Sinong kausap mo?" Tanong ko. Binalewala ang kasasabi niya lamang.
Binalik niya ang tingin sa daan. Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya.
"Si Minzy. Hindi mo ba siya nakikita? Nandiyan lang siya sa likuran mo o." Sa sinabi niyang iyon ay awtomatiko akong napalingon sa aking likuran. Halos atakihin ako sa puso nang makita ang malaking teddy bear doon. Isang malakas na tili ang pinakawalan ko.
"Waaah!" Sunod na lang nakita ko'y nakahawak na ako sa binti ng kumag na katabi ko matapos umalog ang kotse dahilan para mapunta ako sa ganitong posisyon.
Nang mapagtanto ko kung saan ako nakahawak ay agad akong umayos.
Fvck. Ano bang ginagawa ng kamay ko roon?
Isang malakas na halakhak ang bumalot sa buong sasakyan. Napapikit ako sa inis. Ano bang kahihiyan 'to?
"Bakit ka nagbibiro nang gano'n?!" Sigaw ko sa kanya. Nakita ko ang kanyang pagkagulat dahilan ng pagtigil ng nakaiirita niyang halakhak. Alanganin siyang tumingin sa akin. Takot ang makikita sa kanyang mukha.
"H-hindi ko—" Hindi pa man natatapos ang dahilan niya'y humalakhak na naman siya. Napahugot ako ng malalim na hininga. Calm your tits, Fall. Hindi mo dapat pinapatulan ang baliw na kagaya ng lalaking ito.
Humalukipkip ako at binaling ang tingin sa daan. Nakakainis.
"I'm sorry! Hindi ko alam na matatakot ka.
You look reserved so I thought hindi mo papatulan ang sinabi ko. But I guess what you look outside is not the real you." Sabi niya sa pagitan ng pagtawa. Isang matalim na tingin ang binigay ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Fall (In Luv Series#2)
RomanceFall In Luv Series #2 (COMPLETED) BTS Jungkook and Blackpink Jennie's fanfiction chinieanne's story line All rights reserved --- Fall Francheska Del Monte is one of the famous international model. Others think that she got almost of it all--money, b...