Takot
Hindi ako tinigilan ni Adrian hanggang 'di ko naiintindihan ang nangyari kahapon. He's so eager to let me understand that he stayed in my room all day. Kinulit niya ako nang kinulit hanggang sa 'di ko rin natiis ang sama ng loob na nararamdaman ko at pinansin din siya.
Actually, I understand. I'm trying to understand. Sa lahat ng pinakita sa akin ni Adrian, alam kong totoo ang nararamdaman niya sa akin. Kaya nga hinayaan ko na sa wakas ang sarili ko na sumunod na lang sa agos. Na hayaan akong tangayin saan man ako dalhin nitong nararamdaman ko. I will finally let my heart lead the way. Hindi ko na ito pahahadlangan sa utak ko. Hayaan ko na lang. Aasa na lang ako na sana sa pagkakataong ito, hindi mali ang naging desisyon ko at wala akong pagsisihan.
I messaged my brother and asked him when will he back. The only reply I recieved was a simple 'I don't know'. Bumalik lang muli ang sakit ng puso ko. Hindi pa rin siya ayos. Pero sino nga bang makababangon agad sa pagkawala ng isang ina.
Napansin ni Adrian ang patuloy na pagiging matamlay ko at inaya niya akong kumain sa labas. Wala man sa mood ay sumama pa rin ako para kahit papano'y lumaya naman ang isip ko sa lahat ng dapat intindihin.
Matapos naming kumain ay nag-aya akong magpalipas ng gabi sa water park sa mall na malapit. Gusto kong malibang ang mga mata ko. At sakto namang maraming tao sa park at makulay ang dekorasyon na ilaw sa kabuuan niyon.
Naupo kami sa malawak na hagdan sa tapat mismo ng water fountain. Pinanood naming pareho ang pagsayaw noon. Nalilibang kaming pareho sa panonood niyon habang magkahawak ang kamay nang biglang umihip ang malakas na hangin. At bilang suot lamang ang manipis na t-shirt, damang-dama ko ang lamig no'n. Napansin marahil ni Adrian ang pagkalamig ko kaya binitawan niya ang kamay ko. Kapalit no'n ay ang pagkulong niya sa akin sa kanyang mga bisig. Nagkatitigan kami sa naging kilos niya.
"You're invading my personal space." Walang ekspresyon kong sabi habang nakatitig sa seryoso niyang mga mata.
"Okay lang 'yan. Kaysa hayaan kong lamigin ka 'diba?" Seryoso niya ring sabi ngunit nang kindatan niya ako'y hindi ko napigilang matawa. He's being funny again.
Hinayaan ko na lamang na gano'n ang pwesto naming pareho. Wala namang masama kung ganoon dahil karamihan namang nandito ay kabataan. Walang matandang sasaway sa ganitong pwesto kung sakali.
"Fall?" Bulong niya sa gilid ng aking tenga dahilan para lingunin ko siya. Mabilis niyang hinalikan ang pisngi ko.
"Adrian!" Suway ko. Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa kanyang labi at imbis na lalong mainis ay natawa na lamang ako. Kung nagkataong walang suot na ball cap ang isang 'to ay malamang na nakumpirma na ng ilan na nakakikilala sa kanya na siya iyong miyembro ng Boy In Luv. Mabuti na lang at sinunod niya ang utos kong magcap para maiwasang makilala siya kung sakali man.
At sa kalandian ng lalaking ito, malamang na mayroon na naman siyang panibagong issue na aayusin ng kompanyang humahawak sa kanila.
Binalik ko na lamang ang tingin ko sa fountain.
Hindi ako halos makapaniwala. Sa ilang buwan lang na magkakilala kami, marami nang pagbabago na naganap sa kanya. Noon ay isa lamang siya sa mga nangangarap na magkaroon ng pangalan sa larangan ng musika at ngayo'y unti-unti na niyang nakakamtan iyon. Noong nakaraan lang ay in-scout sila ng isang talent agency at ngayo'y unti-unti nang pinakikilala habang naghahanda sa nalalapit na debut nila sa industriya. And I'm so proud of him dahil kahit na muntik na siyang mawalan ng inspirasyon sa pagtupad ng pangarap niya, pinagpatuloy niya pa rin iyon at lumaban. At konting panahon pa, makakarating din siya taas.
I once dream on being in his place long time ago. Mga panahong sayang-saya pa ako sa pagtugtog. Alam ko ang pakiramdam ng nangangarap at ang matupad iyon ay talagang masaya. At masaya na akong may taong tumupad ng minsang pinangarap ko. I'm happy for him and I'm proud of myself as well dahil natulungan ko siya.
BINABASA MO ANG
Fall (In Luv Series#2)
RomanceFall In Luv Series #2 (COMPLETED) BTS Jungkook and Blackpink Jennie's fanfiction chinieanne's story line All rights reserved --- Fall Francheska Del Monte is one of the famous international model. Others think that she got almost of it all--money, b...