45th Fall

245 8 1
                                    

a/n: sorry for the long hiatus. 😳 Sobrang busy sa school sorry.

~♡~

Lie

Paulit-ulit kong pinaalala sa aking sarili na hindi tama ang maging masaya sa bagay na alam ko namang mali sa umpisa pa lang. Ilang beses kong sinabi sa sarili na hindi na ko magpapaloko. Na hindi na ako iiyak para sa iisang bagay na iyon at mas lalong hindi na ako papayag na makagawa ng panibagong desisyon na alam kong pagsisisihan ko sa huli. Pero ngayong nasa sitwasyon na ako, hindi maayos na tumatakbo ang isip ko. All I feel is my beating heart. My heart who’s missing the guy standing in front of me.

Sa biglaan niyang paglitaw sa harapan ko, tila nanigas na ang mga paa ko sa tinatapakang tiled floor at walang balak na kumilos. Even my eyes are glued looking at his face that changed a lot. And my lips that didn’t even dared to say the word “no”.

Madali lang naman ang dapat kong gawin, it’s either I yelled at him and reject his offer or walk away from him without saying a word. Pero hindi ko alam. Tila nagtatraydor ang aking sarili.

“Fall?” Nang magsalita siyang muli ay ‘tsaka lang nagising ang aking diwa at bumalik sa katotohanan. Yes, he is here. But this is not what I’m supposed to react in front of him.

“Y-yeah… uhm, I mean… no. Sorry, marami pa kong dapat na gawin.” Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa aking braso. Natataranta akong tumalikod sa kanya upang makalayo ngunit naalala kong hawak niya ang shopping bags ko.

Napatigil ako sa paglalakad at mariing kinuyom ang kamao ko at huminga ng malalim. Kukunin mo lang ang shopping bags, Fall.

Saktong pagharap ko ay ang pagbangga ko sa kanyang dibdib. Hindi ko naramdamang sinundan niya ako. At mas lalong hindi ko naramdaman na nasa likod ko na siya. This is embarrassing. Napatakip na lamang ako sa aking mukha at hindi makatingin sa kanya. Mukha na akong tanga ngayon. Ilang beses ko pa ba dapat ipahiya ang sarili ko sa kanya?

“You okay?” He asked. He tried to touch me but I immediately move away.

“Okay lang.” Sinubukan kong magtunog ayos lang. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya.

“I’ll just get my bags.” Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at mabilis nang kinuha ang bags sa kanya. Hindi na rin ako nakarinig ng pagtutol. Mabilis niya rin namang binigay iyon.

“Mauna na ako.” Tinanguan ko siya bago muling maglakad palayo sa kanya. Akala ko’y hahayaan niya nang ganoon na lang pero hindi. Hinawakan niyang muli ang kamay ko at marahang pinaharap sa kanya.

“Ayaw mo pa rin akong makausap?” Nabigla ako sa lungkot sa boses niya. Saglit na kumunot ang noo ko bago siya tuluyang tiningnan sa kanyang mga mata. Katulad ng lungkot sa boses niya, mababakas din iyon sa kanyang mga mata. Agad ko ring iniwas ang tingin ko.

“Hindi sa ayaw pero busy talaga ako ngayon. Sa tingin mo kakausapin kita ngayon kung ayaw ko?” Bahagya pa akong ngumiti. Very good, Fall. Your acting skills are improving.

“Fall…”

“Adrian, next time, okay?” Next time, when I’m ready.

Disidido na talaga akong aalis pero ang malakas na pagtawag sa akin ni Adrian ang nagpahinto sa akin.

“Pero kailan ‘yon, Fall? Kailan ka magiging handang kausapin ako?” Naramdaman kong maraming nakarinig noon kaya tumingin ako sa paligid ko. May ilang nakakuha ng atensyon nila at ngayo’y nakatingin sa lalaking nasa likod ko.

“’Yung member ba ‘yan ng Boy In Luv?” Dinig kong sabi ng isang babaeng hindi kalayuan sa akin. Mariin kong pinikit ang aking mata. Tanging ballcap lang ang suot ngayon ni Adrian. Ni hindi siya nag-atubiling mag-disguise man lang gayong nandito siya sa loob ng mall. Kung akala niyang kakaunti lang ang makakakilala sa kanya, nagkakamali siya.

Fall (In Luv Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon