20th Fall

210 13 0
                                    

Kaibigan

Nabigyang muli ako ng project sa Serendipity. Mabuti’t nataon sa Christmas holiday kaya walang pasok. Sinundo ako ni kuya Paul sa bahay para maagang makarating sa opisina ni Chairman Elijah Alcantara.

“Papipirmahin ka na nila ng kontrata bilang modelo ng Serendipity.” Napabangon ako sa pagkakasandal sa upuan nang sabihin iyon ni kuya Paul.

“Anong ibig mong sabihin?” Ngumisi siya.

“They want you to be the official model of their brand. Maganda ang naging response ng customers nila. Mas nakilala raw ang Serendipity dahil sa’yo.” Umiling-iling ako.

“At iooffer na talaga nila sa akin ang spot na ‘yon?”

“Yes. May company na ulit na hahawak sa’yo. Magandang opportunity na rin kasi patapos ka na sa pag-aaral mo. You can work as a model full time.” Ngumuso ako.

Nagpatuloy lang sa pagda-drive si kuya Paul habang malayo naman ang tingin ko sa daan. Patapos na nga ako sa kursong business na kinuha ko. Ang plano ko pagkatapos ng pag-aaral ko’y tutulong ako sa business ni daddy. Pero nang sinabi ni daddy na nalugi siya, agad na nawala ang plano ko. At hanggang ngayo’y hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Balak kong pumasok bilang empleyado sa isang kompanya at magtrabaho doon. Alam ko namang hindi maaasahan ang pagmomodelo dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay mabibigyan ng project. At dahil sa offer na binibigay ng Serendipity, mukhang may pag-iisipan na muli ako.

Isang text ang natanggap ko galing kay Adrian. Mabilis kong binasa iyon.

From: Adrian

Nasaan ka? Bakit wala ka sa kwarto mo?

Kumunot ang noo ko. Hindi ko ba nabanggit sa kanila na may lakad kami ngayon ni kuya Paul?

To: Adrian

Papunta kami sa Serendipity ngayon. Hindi na ko nakapagluto dahil sa pagmamadali. Ikaw na ang bahala. Matanda ka na.

Ilang segundo pa lang ang nakalipas matapos ko isend ang text message ay may reply na agad siya.

From: Adrian

Nakapag-almusal ka?

Ngumuso ako.

To: Adrian

Hindi. Nagmamadali na nga ako.

Binaba ko na ang cellphone nang pagbuksan na ako ni kuya Paul ng pinto. Nasa tapat na pala kami building at kailangan ko nang bumaba.

Sumakay kami sa elevator at dumiretso sa floor kung saan ang opisina ng chairman. Nang makarating kami roon ay sinamahan kami ng sekretarya sa isang conference room. Nandoon na ang chairman at ilan pang importanteng tao. May babae rin akong nakita na mukhang mas bata pa sa akin.

“Good morning.” Bati ko pagpasok namin. Bumati rin ang ilan pa at pinaupo nila ako sa isang upuan na katabi ng chairman.

Diniscuss nila ang tungkol sa contract signing. Binaggit din nila na hindi lang ako ang papipirmahin nila ng kontrata. Nauna lang ako dahil may kailangan pang tapusin ang artist na iyon. Ilan pang pag-uusap pa ang ginawa bago tuluyang ginawa ang contract signing. Nakilala kong anak din pala ng chairman ang babaeng nandito. She’s Aeiesha Alcantara, kapatid ni Rhein at siyang mamamahala ng Serendipity. Tunay ngang mas bata siya sa akin pero graduate na siya.

Mahigit isang oras din ang itinagal bago kami lumbas ng conference room. Nagulat pa ako nang makita si Adrian na nandoon.

“Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko matapos magpaiwan sa kanila.

Fall (In Luv Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon