Drunken Confession
Apat na can lang ng beer nang maramdaman kong mahilo-hilo na ako. Pero pinilit ko pa ring ubusin ang laman ng laman ng pang-limang lata dahilan para masuka-suka na ako’t matapon ang iba sa mukha ni Adrian na nakaunan sa hita ko.
“What the—“ Mabilis siyang napamulat at bakas doon ang pagkagulat. Nang makita ako ay kumunot ang noo niya pagkatapos ay kinapa ang mukha niyang nabuhusan ng alak. Bumangon siya’t pinunasan iyon gamit ang suot niyang t-shirt.
“I-im… sorry…” Hirap na hirap kong bigkas habang pilit na itinutuon sa kanya ang aking tingin. Ngunit mukhang panay-panay ang galaw niya dahil hindi masundan ng mata ko ang kanyang mukha.
“Fvck. Nakailan ka nang beer?” Nahimigan ko ang inis sa boses niya. Kumunot ang noo ko ‘tsaka sinubukang bilangin ang nainom ko gamit ang aking daliri.
“Isha… dalwa…apaht?” Minulat kong maigi ang mata ko para makita ang sariling daliri.
“Panlima mo na ‘yan.” He corrected. Ngumisi ako.
“Alam mo naman pala e. B-bakit ka pa nag….tanong?” Malakas ko siyang hinampas. Hindi ko alam kung saan tumama iyon pero malakas ang narinig kong kalabog. Narinig ko rin ang pag-inda niya.
“Mashaket?” Natatawa kong tanong.
“Lasing ka na, Fall. Matulog ka na.” Nagtaas ako ng kilay pero nang mahilo’y mariin kong pinikit ang mga mata ko. Ilang segundo rin akong nakapikit bago ko dinilat ang aking mga mata. Malinaw ko nang nakikita si Adrian na seryosong nakatingin sa akin. I smiled at him.
“’Di pa ko lasing. Magkukuwentuhan pa tayo ‘diba?” Humagikgik ako. Marahan siyang lumapit sa akin atsaka tumango.
“Hmm… I will listen.” Nagkatitigan kami. At habang nakatingin ako sa mga mata niya, nakita ko roon ang repleksyon kong nakangiti. Doon biglang napawi ang ngiti ko dahil hindi naman totoo iyon. Nag-iwas ako ng tingin at nagsimula na namang damdamin ang mga bagay-bagay.
Umiling-iling ako para mawawaksi iyon.
“What’s wrong?” Nag-aalala niyang tanong. Muli akong umiling at nag-angat ng tingin sa kanya para bigyan siya ng ngiti.
“Wala. Can I ask you questions instead?” Agad naman siyang tumango. “You will be honest?” Nagtaas ako ng kilay.
“I will.” Seryoso niyang sabi. Tumango naman ako.
“Hmm… Why do you still care for me? Matapos ng lahat ng sinabi ko sa’yo noon.” Tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya. Pinikit ko ang mata ko habang nakayuko. My head is spinning.
“You want an honest answer?” Mabilis kong tinango-tango ang ulo na lalong nagpaikot sa paningin ko. Marahan kong sinabunutan ang sarili ko.
“Kasi I like you.” Minulat ko ang isa sa mga mata ko.
“Ha? Pero sabi mo joke lang ‘yun?” Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakita kong nakatingin siya sa akin. He smiled.
“Sinabi ko lang ‘yon just to save myself from embarrassment. Ayokong magmukhang talunan sa harap mo.” Tumawa siya ng pagak. “And I tried to avoid you… but failed.” Ngumuso ako. Muli akong yumuko at pumikit.
BINABASA MO ANG
Fall (In Luv Series#2)
RomansaFall In Luv Series #2 (COMPLETED) BTS Jungkook and Blackpink Jennie's fanfiction chinieanne's story line All rights reserved --- Fall Francheska Del Monte is one of the famous international model. Others think that she got almost of it all--money, b...