8th Fall

276 23 2
                                    

Roller Coaster Ride

Balik na nga kami sa school ng kapatid ko matapos ang naganap na photoshoot at pagkikita kay daddy. Hindi na kami nakapag-usap ng kapatid ko tungkol sa naging pag-uusap kay daddy dahil parehong masama ang loob namin matapos noon. Pero malaki ang pasasalamat ko sa kapatid ko dahil sinamahan niya akong umalis sa lugar na iyon. Natatakot akong kapag nagtagal pa kami, baka pumayag na ako sa gustong mangyari ni daddy. Kahit masama ang loob ko dahil sa ginawa niya sa amin noon, hindi maitatanggi na gusto ko na ulit siya makasama at handing kalimutan ang nakaraan. At dahil sa ginawa ng kapatid ko, hindi nangyari ang kinatatakutan ko. Tama lang na umalis kami doon at hindi na namin kailangan ang tulong niya. Natuto na akong tumayo sa sariling mga paa. Ayoko nang muling masaktan. At ang pagbibigay ng ikalawang pagkakataon ang unang dapat iwasan upang hindi na muling masaktan.

Tahimik akong pumasok sa library. Walang gaanong tao rito kaya dito naisipan na magpalipas ng oras habang binabasa ang aking mga libro. Ilang araw na akong walang mahanap na tahimik na lugar na walang gaanong mga matang nakatingin sa bawat galaw ko. Nakalimutan kong may library pa palang hindi na pinupuntahan ng mga estudyante. Humanap ako ng pwesto sa bandang dulo ng library at doon ko sinubsob ang sarili ko. Dito, wala na akong maririnig na pag-uusap tungkol sa akin at kay Adrian. Wala nang titingnan ako habang sinusuri kung bakit ako nagustuhan ng lalaking iyon.

Lumilipad ang isip ko habang nakatingin sa aking libro nang makarinig ako ng tunog ng pag-click sa camera. Agad na hinanap ko kung saan iyon at nagulat nang makita si Adrian na nakangiting nakatingin sa kanyang cellphone. Agad na nangunot ang noo ko.

"What are you doing here?" Pabulong kong tanong dahil nakuha na ni Adrian ang pansin ng librarian dahil sa tunog ng kanyang camera. Lumapit siya sa akin at marahan na inurong ang silya sa tabi ko. Pagkaupo niyang pumangalumbaba siya't tiningnan ako.

"Hindi ka naman mukhang malungkot. Sinusungitan mo nga ako ngayon." Nilayo ko ang aking mukha sa kanya.

"I said what are you doing here? Paano ka na naman nakapasok? Ibang uniform 'yang suot mo." Tinuro ko ang suot niyang uniform. Malamang ay uniform nila 'yan sa kanilang school.

May dinukot siya sa kanyang bulsa at pinakita sa akin ang isang ID. Lace iyon ng school namin. Nang makita ko ang pangalan doon ay nagulat ako. Babae ang may-ari noon.

"Pinahiram sa akin para makapasok ako. Buti hindi mahigpit ang gwardiya niyo kaya pinapasok ako nang hindi man lang tinatanong ang uniform na suot ko. Pero siguro nagwapuhan sakin kaya hindi na nag-abala." Nakangisi niyang sabi. Hindi talaga ako makapaniwala sa galing dumiskarte ng lalaking 'to.

"Pero 'wag kang magselos a? Ibabalik ko rin naman 'to sa may-ari. Kung gusto mo ipahiram mo na lang sakin ang ID mo." Lumawak ang ngiti niya. Hindi ko namalayan na nakuha niya na pala ang ID ko na nakalagay sa ibabaw ng libro ko.

"Fall Francheska Del Monte. BSA 4-1." Malakas na basa niya at mabilis na tinago sa kanyang likod nang binalik kong kunin sa kanya.

"Ibalik mo 'yan." Seryosong sabi ko. Nagtaas lang siya ng kilay atsaka lumayo sa akin para mabasa ang nasa likod. Hinampas ko ang likod niya.

"Aray!" Reklamo niya pero hindi man lang siya natinag sa pagbabasa. Nandoon ang address ng bahay namin!

Maya-maya'y nakangiti niyang binalik ang ID ko. Nagbeautiful eyes pa siya. Nagpapacute. Mukha naman siyang aso. Asong may malaking ilong.

Hinila ko sa kanyang kamay ang aking ID at tinago sa loob ng bag ko. Pakielamero.

"Pero seryoso, Francheska, pumunta ako rito kasi sabi ni Micah malungkot ka raw mula kahapon. Miss mo na ba ako?" Napahinga ako ng malalim. Kalma, Fall.

Fall (In Luv Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon