Hope
Iba't ibang klase ng mensahe ang natanggap ko galing sa aking manager. Mula pala noong umalis kami ni Adrian ay tinatanong niya na ako. Sa umpisa'y mahinahon at nagtatanong lamang ang kanyang mga mensahe ngunit habang patagal nang patagal na hindi ako sumasagot ay nauubos na rin ang kanyang pasensya. The last text he sent me was earlier. Nagagalit siya dahil tatlong magkakasunod na event na ang hindi ko nadadaluhan.
From: Manager Paul
Fall Francheska, you know what might happen if you'll not answer your phone. Sa saturday ay may event ang serendipity. You know what to do by then. I'm so dissapointed.
Mabilis kong tinago sa aking likod ang cellphone na hawak ko nang pumasok si Adrian sa kwarto. Mabuti na lang at hindi niya napansin iyon dahil abala siya sa pagpapatuyo ng kanyang buhok. Nang balingan niya ako ay nginitian ko lamang siya.
"You're done? Tara na?" Pinilit kong siglahan ang boses ko. Sinusubukang tanggalin sa aking isipan ang nabasa ko kanina lang.
Ngumiti siya. "Yep. San tayo?" Lumapit siya sa akin at tumayo sa harapan ko. Titig na titig siya sa akin na akala mo'y kung anong gagawin. Sunod ko na lang na naramdaman ay hawak niya ang buhok ko at marahang sinuklay ito gamit ang kanyang kamay.
"Hindi ka pa rin nagsusuklay." Nakangising sabi niya. Ngumiwi lang ako at dinampot na ang suklay na nasa gilid ko lamang at sinuklay sa aking buhok. Pero kinuha niya iyon sa akin at siya ang nagsuklay. Tahimik kaming dalawa habang ginagawa niya iyon. Nakatingin lamang ako sa kanyang nakangiting mga labi habang sinusuklayan ako.
"Don't stare too much." Turan niyang nakatitig na rin sa aking mga mata.
"Bakit?" I playfully asked. Ngumisi siya.
"You might fall for me." Napahagikgik ako. Pagkatapos ay hinaplos niya ang aking pisngi.
"At kapag nangyari iyon, hindi ko na alam kung ibabalik pa kita sa Manila." Nagkatitigan kami dahil sa pagkaseryoso ng kanyang tono. We stayed like that for a while hanggang sa siya na ang naunang bumitaw.
"Saan tayo? May alam ka bang lugar dito?" Ilang saglit pa bago ako umiling bilang sagot.
"San mo gusto?" Muling tanong niya.
"Gusto ko sanang maggala pa. May malapit ba ritong tourist spot?" Kyuryoso kong tanong. Biglang napawi ang kanyang ngiti at nag-aalangan akong tiningnan.
"Fall..."
"Yes?" Nakangiti kong sagot.
"Alam kong gusto mo pang mamasyal pero..." Tumigil siya sa kalagitnaan at tila iniisip ang susunod niyang sasabihin. Naghintay ako habang nakatingin sa kanya. Sinalubong niya ang tingin ko.
"Hindi ka pa napapagod? Mayroon pa namang next time. And I promise next time pupuntahan natin kahit saan mo gusto." Agad na nawala ang ngiti ko.
"I'm already tired. Sorry." Dagdag pa niya. Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lamang kahit na nanghihinayang.
Kumain kami ng tanghalian sa restaurant lang ng resort. At habang nandoon kami ay namayani na naman ang katahimikan.
Nang hapon ay nanatili lang kami sa loob ng kwarto. Siya'y nakahiga sa kanyang kama habang ako nama'y pilit na iniintindi ang aking binabasa. Pareho lamang kaming tahimik doon at tila parehong may malalim na iniisip.
Binaba ko ang librong aking hawak nang marinig na nagring ang cellphone na nasa gilid lamang ng aking unan. Kinuha ko ito at nakita ang pangalan ng aking manager. Nakita ko rin sa gilid ng aking mata ang pagsulyap sa akin ni Adrian nang sagutin ko ang tawag.
BINABASA MO ANG
Fall (In Luv Series#2)
عاطفيةFall In Luv Series #2 (COMPLETED) BTS Jungkook and Blackpink Jennie's fanfiction chinieanne's story line All rights reserved --- Fall Francheska Del Monte is one of the famous international model. Others think that she got almost of it all--money, b...