36th Fall

208 11 0
                                    

Decision

Papasok na ako sa loob ng elevator ng aming building galing sa isang photoshoot nang makita ang pangalan ni Jazz sa screen ng aking cellphone at tumatawag. Mabilis ko rin iyong sinagot matapos tuluyang magsara ang elevator.

“Oh, Jazz? Napatawag ka?” Masiglang bungad ko. Matagal-tagal ko na rin mula nang huli ko siyang makausap. Noong nasa burol ng aking ina’y hindi kami gaanong nakapag-usap dahil sa pagdadalamhati namin.

“Fall…” The tone of her voice changed my mood quickly. Puno nang pag-aalangan at pag-aalala ang kanyang boses na bihira kong marinig sa kanya. Agad na akong ginapangan ng kaba nab aka may kinalaman ito sa kanyang kalusugan.

“Is there something wrong?” May pagpapanic na sa aking boses. Saglit na naging tahimik sa kabilang linya na lalong nagpalala ng kaba ko.

“Jazz?”

“Ahm, Fall… actually, hindi ko alam kung tamang sabihin ko ito sa’yo pero wala na akong choice.” Nangunot ang noo ko sa maaaring patutunguhan ng usapan.

“Tell me. What is it?” Nang tumunog ang elevator hudyat na nasa floor na ako ng aming unit ay hinintay ko na ang pagbukas noon.

“It’s about Adrian…” Natigilan pa ako sandal bago tuluyang nakalabas sa loob ng elevator.

“What about him?” Ngayon ay lalo na akong naging kyuryoso sa pagtawag niya.

“Kasama mo ba siya ngayon?” Jazz said on the other line. Binagtas ko ang pasilyo patungo sa kwarto namin.

“Nope. Pauwi pa lang ako…” Natigilan ako nang mapagtanto ang sasabihin ko. Jazz didn’t know our set-up. Hindi niya alam na nakatira kami sa iisang condo unit. And I know for sure na kapag nalaman niya ito ay hindi niya palalampasin. Ang tanging alam niya lang ay ang panliligaw sa akin ni Adrian…

“I mean, no.” Pag-uulit ko sa aking sagot.

“You’re aware of his career?” Dagdag na tanong niya. Tumango ako kahit na hindi niya ako nakikita.

“Y-yes. Why?” Nang makarating sa tapat ng unit ay mabilis kong tinipa sa security lock ang password.

“He’s not attending in their practices. Noong nakaraan pa iyon pero nagpakita naman siya sa isang event kaya akala nami’y babalik na talaga siya pero hindi na talaga siya nagpakita…” Saktong pagbukas ko ng pinto’y bumungad sa akin si Adrian. Nakangiti siya nang makita ako habang ako nama’y hindi malaman ang magiging reaksyon. Parehong sa sinabi ni Jazz at sa presensya niya ngayon.

“Gano’n? Ano raw ang dahilan niya?” Tanong ko sa kabilang linya habang nakatitig ng diretso sa mga mata ng taong kaharap ko ngayon.

“Wala. He keeps on ignoring our calls. Pero nabanggit niya noon sa akin na may balak siyang tumigil.” Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Binaling ko agad ang inis na nararamdaman kay Adrian. Matalim ko siyang tiningnan.

Binaba ko sa aking tenga ang cellphone na hawak at pinindot ang loud speaker para marinig ng lalaking nasa harapan ko na walang alam sa dahilan ng inis ko.

“What are their plans about Adrian’s actions? Imposibleng palampasin iyon ng may hawak sa kanila. Bago lang sila pero lumilikha na agad ng ikababagsak…” Hindi ko tinanggal ang tingin sa mga mata niya.  Gusto kong iparamdam ang inis ko.

“The management is taking care of it already. Pero hindi niyo iyon magugustuhang pareho. And the other boys, they are all worried for Adrian. Hindi namin alam kung bakit siya nagkakaganoon.” Walang pinagbago ang ekspresyon ng mukha ni Adrian kahit na narinig na niya ang boses ng kabigan niya sa kabilang linya. Lalo lang akong nainis dahil doon.

Fall (In Luv Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon