17th Fall

199 15 0
                                    

Papansin

I don’t think I can say it to her.

Gusto ko sanang may masabihan ng nararamdaman ko pero hindi ko alam kung paano. Tahimik kaming pareho nang pumasok kami sa loob ng kwarto ko. Kanina pa rin ako tinitingnan ni Micah. Naghihintay ng sasabihin ko.

Pero sa huli’y nasabi ko rin. Wala nga siyang sinabi tulad ng panagako niya. Nakinig lang siya sa akin. At sa tingin ko’y ayos na rin iyon.

“Ang kapal talaga ng mukha niyang gawin ‘yon? Akala niya ba mahuhulog talaga ako sa kanya?” Himutok ko. Sa teddy bear na si Casper ko naiputok ang lahat ng inis ko. Kung nasasaktan man ang isang manika, malamang ay kanina pa ito umiyak.

“Oo nga. Alam nating pareho na umpisa pa lang, hindi ka na mahuhulog. Pero bakit sobrang affected ka kanina?” Walang emosyon ang mukha ng kaibigan ko pero iba ang sinasabi ng kanyang mga matang nakatingin sa akin.

“Sinong hindi magiging apektado ro’n? Nanloko siya! Mabuti na lang hindi ako naniwala.” Isa pang hampas ang ginawa ko kay Casper bago ito tinitigan.

“Mabuti na lang nga hindi ka naniwala. At natural lang na maging apektado ka dahil ikaw ang napagtripan niya.” Tumango-tango pa siya habang sinasabi iyon. Pinanliitan ko siya ng mata.

“Oh? May mali ba sa sinabi ko?” Inosenteng tanong ng kaibigan ko. Umiling ako.

“Wala.” Sagot ko na lang. Pero nakapagtataka na tinanggap niya ng gano’n na lang ang mga sinabi ko. Duh! Alam kong hindi siya gano’n. Idolo niya ang sinisiraan ko at kung nasa katinuan siya, inasar-asar niya na ako.

Hilaw na ngiti ang binigay niya sa akin.

“Hmp! Pero kasalanan mo talaga ‘to. Kung sa umpisa pa lang, hindi mo na siya tinulungan, matagal na dapat siyang tumigil. Hindi na dapat nangyari ito.” Sisi ko sa kanya. Tinapon ko sa kanya ang teddy bear at niyakap niya naman iyon.

“Bakit? May nangyari ba?” Natigil ako sa sinabi niya. Mabuti na lang at hindi siya nakatingin sa akin kaya hindi niya nakita ang reaksyon kong iyon.

“W-wala.” Nagkatinginan kami.

“Oo nga pala. Kanino galing ‘tong teddy bear mo? Hindi ka mahilig sa ganito ‘diba?” Nagtaas ang kilay niya.

“Ahh… galing lang ‘yan sa isang nakakakilala sa akin.”

“You mean a fan? In fairness, Fall, kahit naman hindi ka kilala ng karamihan, mga biagating tao naman nakakakilala sa’yo, ‘diba? Sa mga pangmayayamang magazine ka nakikita…”

“Yeah. And it’s better that way.”

Gano’n lang ang napag-usapan naming dalawa ni Micah. At least nailabas ko ang inis ko pero may kung ano pa ring bagay na gumugulo sa pakiramdam ko.

Mas naging malala pa ang turingan namin ni Adrian matapos ang huling pag-uusap namin. Nagpatuloy pa rin siya sa pagpapakita na gusto niya ako kahit na alam naman na naming pareho na nagbibiro siya. At sa ginawa niyang iyon, mas lalo lang akong nainis sa kanya.

Pansin na rin maging ng kapatid ko ang inis k okay Adrian. I usually prepare meals for the three of us pero nang aminin niya ngang nagbibiro lang siya, sinadya kong kontian ang pagkain. Kaya naman lalabas na lang si Adrian at doon kakain sa labas. Minsan naman ay mang-aasar pa at sasabihing sinadya ko iyon para makapagdate kaming dalawa. Ibabagsak ko lang ang baso sa mesa tuwing sasabihin niya iyon. I really hate him to death. Mas nainis ako sa kanya ngayon kumpara noon.

Fall (In Luv Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon