2nd Fall

430 29 0
                                    

Ate

Matapos makapag-isip-isip noong gabing iyon, inimpake ko na ang aking gamit para sa pag-alis bukas.

Kumatok si Forest sa aking pinto kaya pinagbuksan ko siya. Mabilis siyang dumiretso sa aking kama at humiga. Pinalo ko siya at pinaaalis pero hindi siyang kumikilos.

"Alis diyan, Forest. Matutulog na ako." Nakita kong nakatitig siya sa maleta ko sa gilid ng aking kama. Napatigil ako sa pagpapaalis sa kanya.

"Aalis ka?" Still looking at my luggage.

"Four... alam kong masakit para sa'yo. Pero iyon ang totoo."

"May tutuluyan ka ba kapag umalis ka?" Pag-iwas sa sinabi ko.

"W-wala pa. But I'll contact dad." Tiningnan niya ako at kita ang pagod sa kanyang mga mata.

"You can leave mom?" Dagdag na tanong niya. Napaiwas ako ng tingin.

"You know that she's sick. Kailangan niya ng kasama. You can do that?" Hindi ako makasagot.

"Fall..." Mas naging seryoso ang kanyang boses kaya napatingin ako. He's waiting for an answer.

"I don't know. Masakit na e. Hindi ko na kayang manatili rito. I gave her the chance to tell us the reason why they seperate pero hindi niya sinabi. And she lied to us. Hindi ko alam kung kaya ko pa." Matagal niya akong tiningnan bago siya tumango.

"It's your decision." Tumayo na siya at agad na dumiretso sa pinto.

"Good night." I murmured.

Hawak niya na ang doorknob nang muli siyang magsalita.

"And whatever your decision will be my decision." Then he left.

---

Tinatawagan ko si daddy kagabi bago ako matulog pero hindi niya sinasagot. Kaya nag-iwan na lamang ako ng mensahe sa kanya na aalis kami sa bahay. Paggising ko ay nagbigay siya ng address kung saan kami pupunta. Wala siyang sinabi kung kanino iyon.

Alas kwatro pa lang ay handa na ako. Tinext ko na rin si Forester kung handa na siya. Maya-maya'y nakarinig na ako ng katok sa aking pinto kaya kinuha ko na ang gamit ko at lumabas.

Madilim pa nang umalis kami ng kapatid ko at paniguradong hindi alam ni mommy ito.

Maliwanag na nang makarating kami sa address na binigay ni dad. Malayo ito sa bahay at may kalayuan din sa school. Sa isang unit sa condominium sa Alabang ito.

"Who owns this place, Fall?" Tanong ni Forest bago sinalampak ang sarili sa puting sofa.

Nilibot ng mata ko ang kabuuan ng sala at ang linis sa mata tingnan nito. Ang mga gamit ay tila pang-isang pamilya. Kumpleto ang lahat mula furniture hanggang appliances.

"Dunno. Hindi ko pa nakakausap si daddy." Sagot ko habang inaakyat ang maliit na hagdan patungong ikalawang palapag. Actually its only half the height of Forest. Ilang hakbang lang din at mga kwarto na.

Binuksan ko ang unang pinto at malinis na malinis ito. I decided to take this room. Binuksan ko rin ang sumunod na pinto at sinabihan ko si Forest na dito na lang siya. Ang tanging pintong hindi ko binuksan ay iyong nasa harap ng sa akin. Dalawa lang naman ang kailangan namin kaya hindi ko na binuksan iyon.

Nagluto muna ako ng agahan namin bago nag-ayos ng gamit. Forest is probably starving. Breakfast ang ayaw na ayaw niyang lagpasan.

"Forest! The breakfast is ready!" Sigaw ko mula sa kusina. Nilapag ko sa mesa ang dalawang plato na may fried rice at egg. Ang paborito naming pareho.

Fall (In Luv Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon