28th Fall

193 16 1
                                    

Back hug

Nag-ikot nga kami ni Adrian sa buong resort. Nadaanan namin ‘yung sinasabi niyang activity area na pwedeng mag-wall climbing, rappelling at zipline. Nagyaya pa nga siyang subukan ang mga iyon pero dahil wala ako sa mood sa mga ganoong klaseng gawain ay umayaw ako. Inubos  namin ang oras doon hanggang sa magtanghalian. Sa restaurant ng resort na kami ng tanghalian at bumalik din sa villa para magpahinga. Hanggang sa makapasok kami sa loob ng kwarto ay ramdam ko ang mapang-asar niyang tingin sa akin. Sa buong paglilibot namin sa resort, wala siyang ginawa kundi ang ipaalala sa akin ang nangyari kagabi na hindi ko naman talaga maalala. Panay ang pang-aasar niya kaya wala akong sinunod sa gusto niyang gawin kanina tulad ng rappelling. Dama ko rin na medyo nabadtrip siya nang hindi man lang niya nasubukan ang mga iyon.

“Tutusukin ko na talaga ‘yang mata mo, tingnan mo lang.” Pananakot ko na tinawanan niya lang.

“May schedule pala bukas na river trekking, sama tayo?” Pag-iiba niya. Sandali akong natigilan habang hinahanap ang cellphone kong iniwan ko lang dito sa kwarto.

“Sumama ka. Bakit kasama pa ako?” Pagtataray ko. Binalingan ko siya nang makita ang cellphone sa ilalim ng kama at nakitang nakanguso siya.

“Fall, magkasama tayong nagpunta rito kaya bakit ba ayaw mong subukan ang activities nila dito ng magkasama tayo?”

“Adrian, wala naman kasi akong hilig sa mga ganyan.” Panggagaya ko sa paulit-ulit na pagbanggit niya sa pangalan ko.

“What do you want to do then?” Nakaarkong kilay na tanong niya.

“Hmm…” I acted thinking. Nilagay ko pa sa baba ko ang aking daliri.

“Sabihin mo lang. Gagawin natin ‘yon lahat.” Nakangiting sabi niya. Ngumisi ako.

“Wala.” Biglang nagusot ang mukha niya nang sabihin ko ‘yon.

“Seriously?”

“Oo. Gusto ko lang dito sa loob ng kwarto. Panoorin ang pagtaas ng araw at paglubog nito hanggang sa tuluyan nang kainin ng dilim ang liwanag.” I smile mischievously.

Wala na siyang naging sagot do’n at tanging pag-iling na lang ang ginawa niya bago tumayo at lumabas ng kwarto. Natawa na lang ako nang sa wakas ay nabawian ko na siya. Nilabas ko na lang ang libro sa aking bag at nagsimulang magbasa.

Nang hindi na tirik ang araw ay nagdesisyon akong lumabas ng villa at nagtungo sa infinity pool. Pinanood ko muna sandali ang mga nagsu-swimming doon bago ko naisipang hubarin ang suot kong damit at tanging two piece na lang ang suot. Mabilis kong nilublob ang katawan sa tubig at dinama ang lamig no’n sa aking katawan.

Agad akong dumiretso sa dulo ng pool para pagmasdan ang tanawin sa baba. I stayed there for a couple of hours habang pinagmumunihan ang lahat ng mga bagay. Hindi ko na rin binubuksan ang cellphone ko upang hindi makasagap ng balita sa kahit na sino. Nagpaalam naman ako sa kapatid ko kaya walang mag-aalala. At hindi ko naman kailangang ipaalam sa mga kaibigan ko kung nasaan ako.

Nakita ko ang paglubog ng araw hanggang sa tuluyan nang dumilim ang kalangitan. Pansin ko rin ang mas paglamig ng tubig at ng hangin na dumadampi sa aking balat. Isa-isa na ring nag-aalisan ang kaninang mga naliligo kasama ko. Mas lalo akong nakaramdam ng panlalamig. Maya-maya lang, mag-isa na lang talaga ako rito.

Fall (In Luv Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon