18th Fall

186 14 0
                                    

Friendship

Sa inis ko’y sinampal ko siya. Sa gulat niya sa ginawa ko’y hindi agad siya nakabawi sa sampal ko. Matapos ko siyang matalim na titigan ay nilayasan ko siya. Iniwan siyang natulala roon maging ang niluluto ko.

Nagkulong ako sa aking kwarto at paulit-ulit na sinumpa ang lalaking iyon. How dare he kiss me? At habang paulit-ulit na sinusumpa siya, paulit-ulit ding nagwawala ang puso ko. Hindi unang beses na manakawan ako ng halik pero inis na inis ako. Anong karapatan niyang gawin iyon? Hindi ba talaga siya titigil sa pangtitrip sa akin? Malinaw na sa aming pareho na pinaglalaruan niya lang ako. Pero bakit ganito kalakas magwala ng puso ko? Para saan? At kahit ilang ulit kong tanungin ang sarili ko, wala akong makuhang sagot.

Nagulat ako sa ginawa niya. At iyon ang sagot kung bakit malakas ang hampas ng puso ko.

Lumabas lamang ako ng kwarto nang oras na para maligo ako. Mabuti na lang at hindi ko nakasalubong si Adrian dahil kung nagkataon, hindi ko alam ang gagawin ko.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo ay may biglang humila sa braso ko. Nagulat ako nang makita ko si Adrian na malaki ang ngisi.

“Sorry.” Ngiting-ngiting sabi niya. Umirap ako. Marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko at tumalikod na. Sinundan niya ako.

“Sorry na, Fall. Patawarin mo na ako, ‘Di ko sinasadya.” Sabi nito habang pilit akong pinalilingon sa kanya.

“Di mo sinasadya? Ano ‘yun? Kusang dumikit ang labi mo sa akin?” Galit na sabi ko pero imbis na matinag siya sa sinabi ko, lalo pa siyang ngumisi.

“Promise! ‘Di ko talaga sinasadya.” Nagtaas pa siya ng kanang kamay niya sa hangin na akala mo naman talaga totoo ang sinabi niya. Kabaliktaran ang sinasabi ng ngisi niya.

“Utot mo.” Pinandilatan ko siya bago pinihit ang doorknob. Bago ko pa mabuksan, hinawakan niya iyon at pilit na sinarado. Nagtiim bagang ako.

“Bitaw!” Singhal ko.

“Ayaw! Patawarin mo muna ako.” Nakangusong sabi niya. Matalim ko siyang tiningnan.

“Hindi tatalab sakin ‘yang pagpapacute mo. Hindi bagay sa’yo.”

“So you’re saying na cute ako?” Nakangising sabi niya.

“No.”

“Patawarin mo na ako.”

“No.”

“Is that your first kiss kaya big deal sa’yo?” Mapanuyang sabi niya. Nabigla ako sa sinabi niya kaya hindi agad ako nakasagot.

“First kiss?” Nilapit niya ang mukha niya sa akin suot pa rin ang mapaglaro niyang ngiti. Hinintay kong mas lumapit ang kanyang mukha bago ko inuntog ang ulo ko sa kanya. Sa lakas no’n ay napahawak siya sa kanyang noo at nabitawan ang doorknob. Mabilis akong pumasok sa loob habang dinig ko naman ang paulit-ulit niyang reklamo at katok sa pinto.

Huh! Akala mo maiisahan mo ako?

“Buksan mo ang pinto, Fall bago ko pwersahing buksan ‘to!” Banta niya. I only made a face. As if kaya mong buksan ang pintong ito?

“You can’t!” Sigaw ko. Nagtungo na ako sa harap ng salamin at nagsuklay ng buhok. Siraulo talaga ‘yong lalaking iyon. Why make a big deal on saying sorry? Ano ngayon sa kanya kung galit ako? Psh. He thinks he’s my first kiss? ASA.

“Fall!” Patuloy ang katok niya. Naging mabibigat ang katok niya na akala mo’y sisirain talaga. Malakas talaga ang tama sa tuktok ng lalaking iyon.

“Ano pa bang kailangan mo?” Sigaw ko ulit upang marinig niya.

“Accept my apology and let us talk.” Umikot sa kawalan ang mga mata ko.

Fall (In Luv Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon