40th Fall

228 8 0
                                    

Miss

Hawak ang gitara at nakangiting nakatingin dito ay sunod-sunod ang naging flash ng camera. Nakailang pose ako gamit ang gitarang hawak bago sinabi ng photographer ang panandaliang break.

Pag-alis ko sa harap ng camera ay inabot sa akin ni kuya Paul ang aking cellphone. Bumungad sa akin ang mukha ni Adrian. Mukhang sinagot ng aking manager ang video call nito.

“You look good with that guitar.” Bungad niya habang ngiting-ngiti. Napansin ko ang pawisan niyang mukha at ang basang-basa niyang buhok dahil sa pawis.

“Katatapos niyo lang?” Pag-iwas ko. Tumango-tango naman siya.

“Break lang actually. Magpapatuloy rin kami maya-maya pagkatapos buuin ni Jeff ang susunod na step.” Ako naman ang tumango.

“Break lang din namin ‘to. Hindi tayo makakapag-usap ng matagal.” Ngumuso ako.

“Don’t worry. Susunduin kita mamaya. Sabay tayong magdinner.”

“Really?” Excited kong tugon. Lumawak lalo ang ngiti niya sa naging reaksyon ko.

“Yes. See you later babe.” Seryoso niyang sabi habang titig na titig sa akin. Ngumisi lang ako at pinipigilang huwag matawa. Magagalit na naman sa akin ito kapag kinokontra ko ang pagiging sweet niya.

Naging saglit lang ang pag-uusap namin dahil tinawag na sila para sa pagpapatuloy ng practice habang ako naman ay inayusan pa para sa susunod na concept.

Ganito palagi ang set-up namin ni Adrian. Dahil pareho kaming abala sa kanya kanya naming career, nakukuntento na lang kami sa mga panakaw na pag-uusap at pagkikita. Bihira kaming kumain ng magkasama. At mas lalong bihira kaming magkita ng matagal at i-enjoy ang araw nang walang ibang ginagawa katulad ng dati. Mas lalo silang naging kilala dahil sa promotion na ginagawa nila kaya lalong hindi naming magawang magdate.

Mukhang mahirap ang set-up ngunit wala akong naging tutol doon dahil alam kong pangarap niya naman iyong pinagkakabalahan niya. I want him to pursue his dreams so I’m pushing him. Pinakikita ko ring ginagawa ko rin ang lahat para sa pangarap ko…

Maagang natapos ang shoot at dahil mamaya pa ang magiging dinner namin ni Adrian dahil nasa practice pa rin siya’y umuwi muna ako. Pagod na pagod ako sa araw na ito kaya minabuti kong mahiga muna at pagpahingahin ang buong katawan ko. Naging malayo ang tingin ko hanggang sa natanaw ko sa ibabaw ng aking closet ang gitarang matagal nang nakatabi roon.

Wala sa loob akong tumayo at inabot ang maalikabok nang lalagyan ng gitara. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang walang pinagbagong gitarang gamit ko pa noong elementary.

Umayos ako sa pagkakaupo sa sahig at pinatong sa aking hita ang gitara. Sinubukan kong patugtugin iyon at nakapagtatakang maayos pa rin ang tunog noon. Na parang hindi napabayaan. Na parang patuloy pa ring ginagamit at inaalagaan.

Naging sunod-sunod ang pag-strum ko sa gitara hanggang sa ‘di ko namamalayan na tumutugtog na pala ako. And what I didn’t realize is that, I’m playing the first song I learned. Iyong kantang tinuro sa akin ni mommy…

Naramdaman ko ang labis na kirot sa puso ko gayundin ang pagtulo ng maiinit na luha mula sa aking mga mata. Pero hindi nagng hadlang iyon para itigil ang pagtugtog ko. Nagpatuloy ako hanggang sa tuluyan nang kumalma ang nararamdaman ko.

Ganoon pa rin talaga ang gitarang ito. Walang pinagbago. Walang kupas. At ganoon pa rin ang kakayahan nitong pakalmahin ako.

Pero habang pinagmamasdan ko ang parehong gitarang nakasama ko sa pagbuo ng aking pangarap noong bata ako, mas lalo kong napatunayan sa aking sarili ang pangungulila sa paglikha ng musika. Mas lalo kong napatunayan na kahit na anong limot ang gawin ko na minsan akong tumugtog, maaalala at maaalala ko iyon dahil ito ang totoong gusto ko.

Fall (In Luv Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon