One week later
"Jiezel, tigil-tigilan mo ko dyan sa kalandian mo ha." Inis na sabi ni Kathlyn.
Nandito kasi ako sa bahay niya ngayon. It's just nine fourteen a.m
"Kinikilig kasi siya hayaan mo na nga!" Sabi ni Mace.
Oh she's here too. I kidnapped her. Haha!
"Wag kang papadala sa pag tawag tawag niya sayo ng baby! BABYtawan ka lang niyan!" Sabi ni Kathlyn.
I scoffed. Daming alam eh.
"Ang bitter mo, neng! Problema mo?" Tanong ni Mace.
Umirap lang si Kathlyn at nilantakan yun cereal na may gravy. Nasusuka ako sa kinakain niya. Nginuya ko ang french fries na kinakain ko.
Nag pa deliver kami sa KFC. Bumili si Kathlyn ng bucket ng chicken pati maraming fries. Tapos nang hingi ng maraming gravy. Akala ko nga sa chicken niya gagamitin. Yun pala doon sa cereal niya gagamitin! Kadiri! Kaya heto kami ni Mace nilalantakan ang binili niya.
"Nag away kayo si Tristan no?!" Akusa ni Mace habang pinapapak yung fried chicken.
Ngumuso si Kathlyn. "Hindi ah." Sabi niya.
"Sinungaling!" Sabi ko.
Umirap siya at kumain ulit.
"Humingi ka ng advice dito sa kaibigan nating napaka positive ng love life!" Sabi ni Mace sabay turo sakin. Pinang turo pa yung fried chicken.
I smiled. Hihihi. Kinikilig ako eh! Jake and I are always together. Well, hindi naman lagi. Minsan nag di-dinner kaming dalawa. May na postponed nga kaming lunch date kasi nag hihinala na daw yung girlfriend niya. Oo na. Si girlfriend na ang priority. I was kinda disappointed. But then, I shook it off and don't mind it.
"Positive ka dyan! Eh nakiki-imot lang yan ng pag-ibig kay Jake na may jowang iba!" Sabi ni Kathlyn.
Kumunot ang noo namin ni Mace at napatigil sa pagkain.
"What's nakiki-imot?" Maarteng tanong namin ni Mace.
Kathlyn scoffed. "Ano yung...yung ano...Ah basta yun na yon!" Sigaw niya.
I shook my head. Dami talagang alam. I know now my limits. Jake and I are dating and we're have sex. Of course! Kaya ko nga siya nilandi eh. Hihihi. He's so sherep! If his girlfriend needs him then go lang! Hindi naman kami exclusive. I secretly date other guys. You know he's possessive and he only wants me for him. It's kinda unfair, pero...hinayaan ko nalang. May thrill kasing mag tago kay Jake eh! Hahaha!
Gaya nalang nung isang beses. Muntik na niya akong mahuli. Grabeng pag tatago ang ginawa ko nun. Nasa isang restaurant ako kasama si Eric. Binigay pala ni Mace sakaniya ang number ko. Edi go ako nung niyaya niya akong mag dinner. Nung pag dating namin sa restaurant, humanap kami ng magandang pwesto. Nung naka-order na kami napatingin ako sa pintuan ng restaurant...
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Jake. Tinakpan ko ng pinggan ang muka ko. Napansin kong may kasama siyang babae pero hindi ko na tinignan ulit.
YOU ARE READING
Seducing My Cousin's Boyfriend
RomanceJiezel Pace is known as a Bitch Slut Attention Seeker Relationship Wrecker at napaka eskandalosa. Pero sino ba ang hindi makakapansin sa isang Jiezel Pace? Japan's Sexiest chick and most seductive woman. She's also Americas N...