chapter 12

290 18 9
                                    

( KINABUKASAN )

sophia: aahhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!

napabalikwas agad ng bangon si kenna.

kenna: sophia?!

sophia: ba't ganyan ang itsura mo?

kenna: pwede mamaya ko na ie - explain? inaantok pa ko eh.

sophia: kasama rin ba sa ie - explain mo mamaya ang tungkol dyan sa coat na yakap - yakap mo ngayon?

biglang naitapon ni kenna ang coat ni jonathan.

kenna: ano........... uhm.......... ano kasi............

sophia: o, kalma lang. don't panic okay? parang tinatanong ka lang eh.

pinulot ni sophia ang coat at inamoy ito.

sophia: uy, in fairness ang bango ha? kanino 'to? pwedeng akin na lang?

binawi agad ni kenna ang coat mula kay sophia.

kenna: hindi pwede. kay jonathan 'to.

sophia: ang damot naman nito.

kenna: ibabalik ko pa 'to kay jonathan.

sophia: weh? parang ayaw mo na ngang ibalik eh.

kenna: of course not.

maya - maya, may narinig silang ingay sa baba. nang bumaba sila, may nakita silang dalawang babae.

sophia: jeanny?! zanel?!

kenna: ( ano na namang ginagawa nila dito? )

jeanny: hello, sophia.

zanel: where's kenneth? nasa kwarto ba sya?

sophia: wala dito si kenneth.

jeanny: wag ka ngang magsinungaling, sophia.

sophia: i'm not lying.

zanel: kanina pa kami nag -aabang sa labas and wala pa kaming nakitang kenneth na lumabas.

jeanny: so it means nandito pa si kenneth.

paakyat na sana sa taas ang dalawa pero hinarangan sila ni kenna.

kenna: di kayo pwedeng pumasok dito. sino ba maysabi sa inyo na pwede kayong pumasok dito sa bahay?

napaatras ang dalawa.

jeanny: and who are you?

sophia: kaibigan namin sya ni kenneth.

zanel: kaibigan? baka naman nakikipagkaibigan para mapalapit kay kenneth? may gusto ka rin kay kenneth diba?

sabay na natawa sina kenna at sophia.

jeanny: what's so funny?

sophia: kung wala na kayong ibang sasabihin, makakaalis na kayo.

jeanny: let's go, zanel. abangan na lang natin sya dun sa company nila.

umalis na ang dalawa.

sophia: hay naku. di pa rin talaga sumusuko yung dalawang yun.

kenna: hayaan mo na. mapapagod din ang mga yun. sa ngayon, pupunta muna ako sa office.

sophia: e diba kasasabi nga lang nila na aabangan ka nila dun?

kenna: e di itataboy ko sila. bahala na. kailangan kong pumunta sa office ngayon.

biglang napangiti si sophia.

kenna: ano na naman?

sophia: pati ba naman sa pagbaba natin dito bitbit mo pa rin yang coat ni jonathan?

kenna: a - ano............ nagmamadali na kasi ako. di ko namalayan na dala - dala ko pala sya.

sophia: may hindi ka ba sinasabi sa 'kin, kenneth?

kenna: wala naman.

sophia: ganun ba? okay. magpalit ka na. pupunta ka pa sa office.

kenna: sige.

( COMPANY )

pagdating nga ni kenneth, nandun sina jeanny at zanel. may dala pa itong flowers at chocolates.

kenneth: anong ginagawa nyo dito?

jeanny: binibisita ka. flowers for you pala.

zanel: chocolates din.

kenneth: i'm sorry pero hindi ko matatanggap yan. ilang beses ko na bang sinabi sa inyo na itigil nyo na 'to dahil wala kayong mapapala?

zanel: what if magbago ang isip mo?

kenneth: hindi yun mangyayari. my decision is final. makakaalis na kayo. please lang.

jonathan: what's happening here?

dumiretso na si kenneth sa office. sumunod naman sa kanya si jonathan.

( OFFICE )

jonathan: what was that?

kenneth: wala. wala lang silang magawa.

jonathan: ang babae pa talaga ang nanliligaw sayo ha?

kenneth: wag na natin silang pag - usapan. nga pala---------------------

biglang nag - ring ang cellphone ni jonathan. kinuha ni jonathan ang cellphone nya at napangiti. sinagot nya nag tawag.

jonathan: hello, honey.

kenneth: ( honey?! )



( END OF CHAPTER 12 )

may honey si jonathan?!

sino kaya yun?!

abangan po natin sa next chapter!!!!!!!!!!!!

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon