jean: ah, ano kasi............... hinahanap ko kasi yung hikaw ko. nawawala kasi. eto, nahanap ko na. pasok na kami sa loob, okay?
pumasok na sa loob ng bahay sina jean at rj.
jean: ano bang ginawa mo? nakita mo ba yun kanina? konti na lang eh. konting - konti na lang. ano ba, rj?
rj: sorry naman, ma. malay ko bang kakagatin ako ng mga langgam?
jean: wala na. sira na.
rj: malay mo baka ulitin nila ulit, ma. halika, ma. punatahan natin.
jean: che! di na ulit mangyayari yun. anong akala mo sa kuya mo? tanga? nakaka - badtrip ka eh noh? matulog ka na nga.
rj: pero, ma.................
jean: rj, wag makulit. matulog ka na.
rj: oo na po.
( SAMANTALA )
jonathan: i'm sorry about that.
kenna: okay lang. nga pala, kailangan ko ng umuwi. gabi na kasi.
jonathan: ihahatid na kita.
kenna: okay.
( HOME )
kenna: hala! nakalimutan ko na namang isauli ang coat nya.
naalala na naman nya ang nangyari kanina.
kenna: ( muntikan na yun ah. )
napangiti na lang sya.
sophia: mukhang kinikilig ka ata.
kenna: sophia? anong ginagawa mo dito?
sophia: hinihintay ka namin ni tita cill.
cill: so, kumusta naman ang dinner mo sa kanila?
kenna: o - okay naman po.
cill: wala bang ibang nangyari?
kenna: wa - wala naman po, ma.
cill: ganun ba? wala na talaga?
kenna: inimbitahan po ako ni jonathan sa birthday nya.
cill: pupunta ka ba?
kenna: opo. pinapapunta po ako ni jonathan eh.
cill: okay. sige. pumasok ka na sa kwarto mo. inaantok ka na yata eh.
kenna: okay po.
paakyat na sana sa kwarto nya si kenna nang marinig nya ang usapan nina sophia at ng mama nya.
cill: may sinend na picture si jean.
sophia: ano po yan, tita?
cill: hala!
sophia: OMG, tita!
cill: sino kaya 'tong dalawang 'to?
sophia: bagong loveteam, muntik nang maghalikan!
cill: bakit muntik lang? ba't di natuloy? sayang naman.
sophia: sayang nga po, tita. naku, kung nandyan ako tinulak ko na ang dalawang yan para 100% tuloy ang kiss.
napaharap si kenna sa kanila.
kenna: ma?
cill: bakit, kenna?
kenna: ano 'yang pinag - uusapan nyo ni sophia?
cill: wala lang 'to. may pinapahulaan lang ang tita jean mo.
kenna: tungkol saan?
sophia: bagong loveteam, kenna. muntik na sanang mag - kiss kaya lang di natuloy eh. sayang.
nilapitan sila ni kenna.
kenna: patingin ng picture.
cill: ha? anong picture?
kenna: yung sinend ni tita jean.
cill: meron ba? wala naman eh.
kenna: ma, akin na.
binigay ni cill ang cellphone nya kay kenna. tiningnan naman ni kenna ang picture.
kenna: ( nakunan pala kami ng picture ni tita jean. )
binalik na nya ang cellphone ng mama nya.
cill: now. baka gusto mong mag - explain tungkol dito.
hindi nakasagot si kenna.
sophia: kenna, walang masama kung ise - share mo sa 'min ang nangyari. ano ba talaga?
napaupo si kenna sa sofa. tinabihan naman sya ng mama nya at ni sophia. kinuwento nya ang lahat ng nangyari sa kanila.
sophia: tapos? anong sinagot mo?
kenna: wala.
sophia: wala?! bakit wala?!
kenna: kasi hindi ko alam ang sasabihin ko.
sophia: e di dapat sinabi mo 'yung totoo. na pareho lang naman kayo ng nararamdaman para sa isa't isa.
kenna: the feeling's not mutual. wala akong nararamdaman para sa kanya. paano naman ako magkaka - feelings sa kapwa ko lalaki? hello?
sophia: tita, pigilan nyo ko. baka mabigwasan ko 'tong si kenna eh.
kenna: why?
sophia: anong why? eh kung dukutin ko kaya yang puso mo para magkaalaman na.
kenna: magkaalaman na?
cill: na pusong - babae ka!
sophia: na pusong - babae ka!
kenna: what?!
sophia: wag mo ng i -deny. kahit hindi mo aminin sa 'min ng mama mo, alam namin kung sino ka talaga. kung ano talaga ang gusto mo. kung ano ka talaga.
( END OF CHAPTER 16 )
alam ko bitin guys!
see you na lang sa next chapter!
BINABASA MO ANG
Born For You
Romancethis story is for FabKen Lovers!!!!!! para to sa mga hindi maka move on sa kanilang dalawa. para sa mga kinikilig sa kanila eventhough pareho silang lalaki.