chapter 77

179 17 2
                                    

napalingon ulit si sophia kay ethan.

sophia: ano bang pinagsasasabi mo?

ethan: ay grabe sya oh. nagmamaang - maangan ka pa eh.

sophia: alam mo, ang labo mo. dyan ka na nga.

ethan: ano bang malabo dun sa sinabi ko? gusto mo linawin ko pa?

sophia: oo. linawin mo.

ethan: fine. gusto kita!

natigilan si sophia.

sophia: seryoso ka?

ethan: oo naman. ayan ha. nilinaw ko na.

sophia: teka, bakit?

ethan: anong bakit?

sophia: bakit ako?

ethan: anong bakit ikaw?

sophia: ethan naman eh................

ethan: linawin mo kasi ang tanong mo.

sophia: uhm.................... you know what................ sa ibang araw na lang natin 'to pag - usapan ha? baka......................... naguguluhan ka lang eh.

aalis na naman sana si sophia pero pinigilan sya ni ethan.

ethan: magwa - walkout ka na naman? hindi na nga ko umalis para sayo eh tapos pagwa - walkoutan mo lang ako?

sophia: eh bakit kasi hindi ka pa umalis? hindi naman kita pinipigilan ah?

ethan: so okay lang sayo na umalis ako? ganun ba? wala ba 'kong halaga sayo?

hindi nakasagot si sophia.

ethan: ano? sagutin mo naman yung tanong ko.

sophia: ano bang gusto mong isagot ko?

ethan: yung totoo. kahit masakit, tatanggapin ko.

sophia: ano ba kasing tinatanong mo?

napabuntong - hininga si ethan.

ethan: may pag - asa ba ko sayo?

sophia: uhm.................... a - ano kasi....................... ah..........................

ethan: sasagutin mo ba ko o hindi?

sophia: sasagutin agad? di ka pa nga nanliligaw eh.

ethan: that's not what i meant. sophia naman eh...................

bigla na lang natawa si sophia.

sophia: alam mo kasi hindi ako sanay na ganito tayo eh. sanay ako na tinatarayan kita, inaaway. bakit mo ba ko nagustuhan?

ethan: bakit nga ba? mataray ka naman tsaka may pagka - maton. para kang kabaliktaran ni kenna. bakit nga ba kita nagustuhan?

sophia: alam mo, nakakabwisit ka. lumayas ka na nga sa harapan ko.

ethan: eto naman. binibiro lang kita eh.

sophia: alam mo, next time mo na lang ako kausapin pag matino ka ng kausap.

umalis na si sophia.

ethan: sophia! wait!

( SAMANTALA )

nakarating na sa Paris si steffi. pagkagising nya, nagsibabaan na ang mga sakay ng eroplano.

steffi: gosh! nakatulog ako. sa'n na kaya sina jonathan at kenna? kainis naman oh!

bumaba na agad sya at hinanap nya agad sina kenna at jonathan.

steffi: sa'n na kaya yung mga yun?

kenna: looking for us?

napalingon agad sya kay kenna.

steffi: kenna!

kenna: o, mukhang gulat na gulat ka. diba dapat ako ang magulat kasi nandito ka? mukhang maling eroplano yata ang sinakyan mo.

steffi: ah..................... ano.......................... naisip ko kasi na pumunta dito sa Paris. mukhang maganda kasi dito eh.

kenna: ganun ba? hindi kaya sinusundan mo kami para manggulo na naman?

steffi: of course not! bakit ko naman kayo guguluhin?

kenna: well, you should behave. dahil kapag nanggulo ka na naman, lagot ka talaga sa 'kin.

steffi: teka nga lang, tinatakot mo ba ko? para sabihin ko sayo, hindi ako natatakot makipag - away sayo. ano? gusto mo dito pa tayo magkagulo?

kenna: hinahamon mo ko?

steffi: ano sa tingin mo?

biglang nag - ring ang cellphone ni kenna.

kenna: hello, cous? nandito ka na? sige, sige. hintayin ka na lang namin ha? okay, bye.

binulsa na nya ang cellphone nya.

jonathan: cousin mo?

kenna: oo. papunta na raw sya dito.

maya - maya may biglang tumawag kay kenna.

steven: cous!

kenna: cous!

napatingin naman si steffi sa tinutukoy ni kenna.

steffi: ( no way! )

steven: gumaganda ka ngayon ah? blooming ka. may boyfriend ka na noh?

kenna: oo. si jonathan nga pala, boyfriend ko. nathan, si steven, pinsan ko.

jonathan: nice to meet you, steven.

steven: nice to meet you rin. ikaw pala ang boyfriend ni kenna. wag mong sasaktan 'tong pinsan ko ah?nag- iisa lang 'to. hindi ka na makakahanap ng katulad nya.

jonathan: of course. i won't hurt her.

kenna: ah, muntik ko na palang makalimutan. steven, si steffi. steffi, si steven.

steven: hmm............. you're familiar. have we met before?

steffi: ah................... ano......................

kenna: maybe one of your stalkers?

steffi: of course not! i'm not a stalker.



( END OF CHAPTER 77 )

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon