Chapter 14

985 40 3
                                    


chapter 14

-The bitches-

Written by liannesymon


Isabella PoV

Wednesday 7:35am


"ok class. open your books on page 26." 

Nandito kami ngayon sa classroom at nag sisimula na mag klase ng history. nawala na din ang sakit ko. simula pag gising ko kaninang umaga, hanggang sa pag pasok ko maayos ang lahat. walang buhos ng tubig. walang namumukol ng kung ano ano. walang nakadikit sa likod ko. as in tahimik lang. walang gulo. marahil hindi ko nasasabi sa inyo nung mga nakaraang chapter pero sa totoo lang, sa tuwing pumapasok ako at uuwi. may nangyayari sakin. tulad ng tuwing papasok ako ng umaga, pag lalabas ako ng dorm may isang timbang tubig ang naka antabay sakin at handang bumuhos anytime. sa totoo lang apaka shunga nung gumagawa nun at alam nyo na kung sino. sa araw araw at paulit ulit na ginagawa nya yun, sa palagay ba nya hindi ko maiiwasan yun? ano ako tanga? paulit ulit mahuhulog sa trap nya? helow! manigas sya! kaya tuwing papasok ako ng umaga may payong ako dahil alam ko na ang mangyayari. minsan naman pag papasok ako ng building namin may babati sakin kunwari tapos tatapikin ako sa likod ko, yun pala may ididikit lang sa likod ko ang pota. kaya naman nung pangalawang araw na may gagawa sakin nun binalian ko ng buto. kaya ayon wala ng makalapit sakin. araw araw ganon ang ginagawa nila sakin. hindi nag babago ang routine ng mga gago. mga tanga talaga. try nilang hapon nila ilagay yung timba mga tipong pauwi na ko ng dorm baka sakali mabuhusan ulit nila ako diba? mga shunga talaga. palibhasa utak lamok yung leader nila! pwe!

pero ngayong araw na to walang nangyayari. natatakot tuloy ako HAHAHA.. hindi ako sanay na walang nambubully sakin. eto namang damuhong lalake na nasa likod ko tahimik lang. kahit kanina na pag pasok ko sa room hindi man lang ako tiningnan. tss ang cold nya yata ngayon? nakakapanibago at walang nang aasar sakin. 


natapos ang history, math at english namin na walang ano mang pansinan sa pagitan namin ni kyle. napaka tahimik. nag tataka nga rin tong si steph at hindi daw ako inaasar ni kyle. well ok na din naman yun. atleast tahimik ang buhay ko at nakakapag aral ako ng ayos hehe.

P.E na namin ngayon. eto na at bubuksan ko na ang locker ko. inaasahan ko na basa sya or may langgam. chineck kong mabuti ang uniform ko. walang langgam, hindi rin sya basa. wow ah? hmm sinuot ko nalang ito. nag punta nako sa labas at nag warm up. nakita ko na din si kyle, napatingin ako sa kanya at napatingin din sya sakin. umiwas agad sya ng tingin ng malaman nyang nakatingin din ako sa kanya. shet! bakit ang awkward namin ngayon?!


nag start na ang class namin sa gym. buong period tahimik lang at wala ding gulo. nakapag aral akong mabuti. sila amanda lang talaga ang nakakasira ng araw ko ngayon. kanina panay parinig sakin na ang landi landi ko raw, na mahirap daw ako tapos kung ano ano pa. puro walang sense at paulit ulit lang, sus hindi ba sya nananawa? manhid nako eh, kaya wag na silang mag abala na maaapektuhan pa nila ako.

natapos ang buong period namin at walang ganap na kahit ano. weird. may sakit ba sya ngayon? teka!! bakit ba iniisip ko sya!? ewww..

papunta kami ngayon ni steph ng 1st cafeteria. lunch break na kasi namin. umorder lang kami ng isang Pesto pasta with chicken tsaka Chicken cordon bleu. wala naman kasing rice dito nakakainis. hindi uso ang rice dito kaya puro ulam at kung ano anong desserts ang pinag kakakain namin. sa dorm lang ako nakakakain ng rice.

"bell are you okay? you look bothered. why?" sabi ni steph. 


"ha? hindi noh."

The Bully and The GangsterWhere stories live. Discover now