Chapter 46.1

459 21 10
                                    




chapter 46.1

-Unexpected-

Written by liannesymon








Isabella PoV


"what do you want?" tanong sakin ni lance.

lunch break na namin at nandito kami ngayon sa cafeteria.

actually inaaya nya ko dun sa cafeteria 2. lugar ng mga high class.

syempre di ako pumayag noh! ayoko makita pag mumuka nung kyle na yun!

naalala ko nanaman yung ginawa nya kanina sa classroom.. nyemas na lalaki na yun di mo talaga malaman ang takbo ng isip.

bigla bigla nya kong papansinin at kakausapin! ano to? nakalimutan naba nya ginawa nya sakin? nauntog ba sya at nawala ang memorya nya?

tigilan nya ko! hinding hindi na nya ako mauuto! siguro bored nanaman ang loko kaya ganun nanaman ang takbo ng utak nya!

wag sya mag paka feeling close sakin ngayon at naiinis nya ko!

"kahit ano. kaw na bahala." sagot ko kay lance. naka poker face lang sya.

"you sure?" tanong nya. tumango lang ako.


"look ang pogi nya noh?"

"teka bakit kasama nanaman nya yung babae na yan?"

"sino? si isabella? ano kaba! wag kang maingay baka marinig ka ni lance!"

"ha? at bakit naman?"

"dimo ba alam? bali-balita na nililigawan sya ni lance.."

"WHAT?!"

napatingin ang lahat sa lakas nung boses nung babaeng nasa may likuran namin.

nakapila kasi kami sa counter ni lance para bumili ng foods.

pambihira nag bubulungan ba sila? o sadyang pinaparinig nila sakin usapan nila? abe rinig na rinig ko e! tatadyakan ko sa muka tong dalawang chismosa na to e!

actually kanina pa sya pinag titinginan ng mga studyante dito.

yung mga babae kilig na kilig kapag napapadaan sa kanila si lance. akala mo mga kinukurot sa singit ang mga pakshet!

tsaka anong nililigawan? lakas makagawa ng kwento mga to ah!


after umorder ni lance umalis na din kami agad dun. nung napadaan kami sa mga nakapilang babae, talagang sinusundan nila ng tingin si lance hanggang maka upo ata kami sa pwesto namin nakatingin pa din sila jusko!


"gwapong gwapo talaga sayo mga tao dito kaloka." sabi ko. napatingin sya sakin.

"ikaw ba?"

"anong ako?" napataas naman ang kilay ko.

"di ka ba nagagwapuhan sakin?" infairness sa muka nya ah! seryoso nya talagang tinatanong yan!

"alam mo? kumain nalang tayo, gutom lang yan." sabi ko nalang.

"tss. avoiding the question huh.." sabi nya tapos inayos na nya pag kain nya.

"sya nga pala lance.. pano na yung grupo mo sa school natin? pano na yung big 3? sino na namamahala sa school?" curious kong tanong.

"about that... si harold na namamahala sa lahat. and about my group? we disband." sabi nya.

"ano?! bakit?"

"because i'm one of the blood lust now." seryoso nyang sabi.

"ANO?! niloloko mo ba ko?"

"hmm no?"

The Bully and The GangsterWhere stories live. Discover now