Chapter 30

687 28 6
                                    


chapter 30

-unexpected-

Written by liannesymon


Isabella PoV

Evening....


kakatapos lang namin kumain nila nanay kasama si steph. nandito kami ngayon sa kusina at nag liligpit nang mga pinag kainan namin. si nanay naman nag paplantsa nang mga damit namin sa sala.

"bell, sa palagay mo.. pupunta kaya si kyle dito?" tanong ni steph sakin.

"alam mo namang loko loko yun. hindi yun pupunta. tsaka isa pa.. hindi naman nya alam kung san bahay namin." paliwanag ko.

"may point ka naman dun. pero naisip ko lang kasi.. bakit naman mag eeffort tumawag sayo yung bugok na yun kung hindi sya seryoso? ang effort naman nyang mang asar or maybe.. bored na bored lang sya kung nasan man sya ngayon." sagot nya sakin habang pinupunasan yung mga pinggan na hinugasan ko.


habang nag huhugas ako. nakarinig ako nang mga tahulan nang aso sa labas nang bahay namin. mukang may bagong tao silang nakita.

napansin ko ding sumilip si nanay sa labas.

binilisan ko ang pag huhugas ko nang pinggan dahil nacucurious ako kung ano yun. si steph naman mukang dedma lang. busy ang ate nyo sa cellfone nya. akala mo naman may katext eh wala ngang nag tetext sa kanya bukod sakin. loner ang ate nyo.

matapos kong mag hugas pumunta na kami ni steph sa sala.

"nay anong meron?" tanong ko kay nanay habang busy sya sa kakasilip sa labas. may pag ka chismosa rin talaga tong si inay.

"may lalake kasi sa labas anak. mukang ka edad nyo ni steph. naka magarang kotse anak eh mukang anak mayaman. ang gwapo anak." sabi ni nanay. kinutuban naman ako agad sa sinabi nya kaya napasilip na din ako agad.  kahit si steph napatayo sa sinabi ni nanay.

pag silip ko may kulay pulang sports car sa tapat nang bahay namin. ang dami ring tao. karamihan mga babae! jusko. may nakatayo ring lalake dun, nakatalikod sya samin kaya hindi ko makilala.

nakaputing polo sya. fitted kaya anlakas maka gwapo. likod palang parang ulam na. alam kong maputi sya dahil kahit gabi na at mahina ang ilaw nang poste sa labas eh kitang kita ang mala porselanang kutis nang koya nyo!

"nay labas lang po kami sandali." paalam ko kay inay.

"bakit anak? kilala nyo ba yung lalake sa labas?" nag tatakang tanong ni inay.

"parang po. pero sana po ay hindi hehe." sabi ko.

dali dali kaming lumakad palabas ni steph nang bahay.

nakita ko yung mga malalandi naming kapit bahay na naka paligid dun sa lalake. napataas nalang ang kilay ko sa mga pa walk na to.

pati yung mga lalakeng tambay namin eh nandito rin sa labas nang bahay namin at panay picture dun sa kotse nung lalake.

binuksan ko na yung gate nang bahay namin at napatingin sakin yung mga kapit bahay namin.

"bell jusko! ang gwapo naman nang kaibigan mo! pakilala mo naman ako!" bungad agad sakin nang malandi kong kapit bahay. kung maka pag suot nang short akala mo naka panty nalang sa sobrang iksi nang short jusko.

dinedma ko nalang sya at lumapit dun sa lalake. nakasunod lang sakin si steph. pag lapit namin dun sa lalakeng nakatayo. humarap sya samin at nagulat. shet lang po talaga.

The Bully and The GangsterWhere stories live. Discover now