"guys please vote and comment. more reaction more fun and more updates ganern lol "chapter 21
-let's meet the prince-
Written by liannesymon
Isabella PoV
Aug 13, Thursday
10:16am
Matapos kaming gumising ng maaga at salubungin ang crown prince, eto ako ngayon at nag punta muna sa vashti park para mag palipas ng oras. buong araw kasi kami ngayon walang klase. bukod sa nakakatamad mag lakad lakad eh nahihiya akong makita ngayon si kyle sa di ko malamang dahilan.... bakit nga ba ako nahihiya?!
dahil ba sa ok na kami? or nahihiya ako dahil sa mga nasabi ko nung tutor moments namin? ughhh!! kainis! bakit ba ganto ang nararamdaman ko? bakit ba napunta kami sa ganung usapan?
nako! bahala na nga sya...
ngayon lang nag sink in sakin ang mga ganap kahapon. lasing ba ko kahapon at hindi ko yun namalayan? tapos napapayag ko pa sya na maging friends kami? AHHHHHH grabe!! mababaliw na ata ako!! sa totoo lang ang OA ko! bakit ba ang big deal sakin nun?
tapos kanina hindi ko sya nakita. hindi sya kasama sa mga students na sumalubong sa crown prince.
speaking of crown prince. hindi ko rin pala nakita ang crown prince kanina, ang dami kasing tao. tsaka ang layo namin. hindi ko sya masyadong naaninaw.
sabagay, ano bang paki ko sa kanya. basta ako mag aaral ako dito bahala sya dyan.
binuksan ko nalang ang phone ko at naisipang tawagan si nanay. namimiss ko na kasi sya eh.
Calling nanay......
"hello anak? kamusta kana?" nasagot agad ni nanay ang tawag ko. mukhang hindi sya busy.
"nay! miss na kita! eto po at ok lang po ako! kayo po? baka nanay nag papabaya kana sa pag kain mo ha?"
"nako ikaw talaga, ok lang naman ako anak. ikaw? kamusta ka dyan? balita ko ngayon ang dating ng prinsipe nyo. siguradong busy kayo dyan, si steph ba kamusta?"
"Opo kakadating lang ng prince kanina. eto po ako ngayon at nag papahinga sa park. si steph po nandun po sa classroom, hindi ko lang sure kung ano ang ginagawa. kamusta ang paninda mo nay? namimiss ko na ang puto mo huhu"
"nako sinasabi ko na nga ba at puto ko ang namimiss mo eh haha.. hayaan mo anak at dadalan ko kayo dyan ni steph kapag nakaipon na ako ng pamasahe."
"talaga nay? na excite tuloy ako haha.. nag breakfast kana ba nay?"
"nako oo anak. eto nga at kakatapos ko lang kumain ng tinapay. nag tinda muna ako ng puto at buti maaga ako naka ubos. ikaw ba? baka nag papabaya ka ha? sinabi ko sayong palagi kang mag papakabusog dyan! lagot ka sakin kapag ikaw eh namayat at nalaman kong nag papalipas ng pag kain."
"haha nanay naman eh! ok lang ako tsaka lagi ako kumakain sa tamang oras."
habang kausap ko si nanay sa phone may nag salita sa likod ko.
"who's there?" sa gulat ko nanait ko na maipukol sa tubig yung phone ko! sino ba tong punyetang to?
"ah helow nay? tatawag nalang po ulit ako mamaya ah?" paalam ko kay nanay.

YOU ARE READING
The Bully and The Gangster
Teen FictionIsabella Dominguez, A girl who are trying to be fierce,strong and respectable. Isabela is a gangster who hangs around a gangs and a brilliant genius leader that have an organize group. Sean kyle perez. the no.1 bully in school. beside using his mo...