chapter 32
-Date or Not?-
Written by liannesymon
Isabella PoV
nandito na kami ngayon sa loob nang mall at handa nang mag hanap nang mga bibilhin na damit nitong si kyle.
pero habang nag lalakad kami... hindi ko mawari kung bakit panay tingin sya sakin. alam ko namang maganda ako pero nakaka awkward din naman. CHAROT!
"may problema ba?" pabebe kong tanong.
"wala." sagot naman nya.
"eh bakit panay ka tingin? sa nilalakaran mo ikaw tumingin wag sakin. nacoconscious din naman ako." sabi ko pero natawa sya.
may nakakatawa ba sa sinabi ko?
"marunong ka pala maconscious." sabi nya.
"ano palagay mo sakin, walang pakiramdam?"
"medyo." sagot nya sabay lakad. "buti naman sinusuot mo yang bracelet na bigay ko sayo, akala ko itatapon mo lang." sabi nya.
"bat ko naman itatapon? bigay mo to tsaka sayang. hindi naman ako ganung klaseng tao noh." sagot ko.
"sorry."
"sorry saan?"
"namali nanaman ang tingin ko sayo." sabi nya.
hindi ko alam kung dapat ba ako magulat sa inaarte nya ngayon o hindi eh. sa maliit na bagay aba marunong na syang mag sorry?
"o-okay lang yun ano kaba. tara na dun tayo! magaganda damit dun bagay sayo." sabay turo ko sa bench.
"ha? ayoko dyan. dun tayo." sabay turo naman nya sa hugo boss.
nakakaloka to. ang mahal kaya dyan jusko!!
"sure ka? mahal dyan eh."
"have you forgotten who am i?" sabi nya.
naalala ko perez nga pala sya hayss ano nga bang kinakatakot ko? kaloka.
pumasok kami dun at sinalubong agad sya nang mga sales lady.
naloloko nalang talaga ko dahil kung makangiti nang wagas ang mga sales lady dito eh halos mapunit na ang kanilang bibig.
halatang crush nila itong si kyle. although wala naman akong pakialam kung crush nila itong si kyle.
pero bakit ako naiinis? nababaliw na ata ako.
"bell bagay ba to sakin?" sabay pakita sakin ni kyle dun sa damit na napili nya.
"ayy nako sir yes bagay na bagay po sa inyo yan. especially yung color mas lalo po kayong pumuti." sagot nung sales lady.
"i'm not talking to you." pag susungit ni kyle. kaya natahimik yung sales lady.
grabe po sa kasungitan ang kuya nyo haha.
"hmmm ok lang." sagot ko.
"i don't want this then." sabi nya sabay balik dun sa damit.
nag hanap pa sya nang iba.
ang dami nyang kinuha at pinakita nya sakin lahat. actually magaganda naman lahat. at bagay naman sa kanya lahat.
magaling naman sya mamili kaso bakit parang hindi ko matanggap na ang pogi nya sa mga damit na nakukuha nya? kaya lahat nang sagot ko puro okay lang.
YOU ARE READING
The Bully and The Gangster
Teen FictionIsabella Dominguez, A girl who are trying to be fierce,strong and respectable. Isabela is a gangster who hangs around a gangs and a brilliant genius leader that have an organize group. Sean kyle perez. the no.1 bully in school. beside using his mo...