Chapter 19.1

1.1K 38 2
                                    


chapter 19.1

-tutor part 2-

Written by liannesymon


Isabella PoV


August 12, wednesday


Simula nung pumayag ako sa kasunduan namin ni luke na mag papatutor ako sa bwist na lalake na yun.. halos hindi ako naka kuha ng matinong tulog kagabi. -_-

gusto ko sanang maiyak kaso tinamad ako. BAKIT BA KASI AKO PUMAYAG? GANON BA AKO KA BOBO PARA HINDI KO MAIPASA ANG DARATING NA EXAMS NAMIN? nakakainis!!

ano ba kasing pumasok sa utak ko at napapayag ako ni luke? ughhh!!!


"bell are you okay? kanina kapa hindi mapakali dyan." sabi ni steph. andito kami ngayon sa pang mahirap na cafeteria dahil ayoko makita ngayon yung tatlong bugok. nai-stress nila ako masyado.


"paanong hindi ako mapapakali eh itututor ako ni kyle ngayon!!" napalakas ata ang boses ko kaya nung binanggit ko ang pangalan ni kyle napatingin sakin ang mga babae dito sa cafeteria. mega bulungan nanaman sila. -_-


"shocks!! hindi ko expect na maeexcite ka na turuan ni kyle ahihihi" sabi nya habang kinikilig na parang tanga. isa pa tong babae na to eh. itutumba ko to makikita nyo.


"ulol! anong naeexcite ka dyan? naiirita nga ako eh! ayoko nga makita pag mumukha nya tapos mag sasama pa kami para lang turuan nya ako? jusko amang mahabagin."


"eh wala ka namang choice na. naka oo kana kay kuya. umaasa pa naman yun na matuturuan ka ni kyle tapos malalaman nya na mag baback out ka? medyo masakit yun sa part ni kuya syempre. after ka nya tulungan makapasok dito diba? tapos ganun?" napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.


"ay wow naman.. hindi naman masyado nakaka guilty yang sinasabi mo hano?"


"hindi naman. medyo lang." sabi nya kaya pinakyu ko nalang sya.


habang kumakain kami ni steph dito nakarinig kami nang malalanding sigawan sa may entrance na cafeteria. para bang may pumasok na saksakan ng gwapo para tumili sila ng ganun. napaisip naman ako bigla. iilang lalake lang naman ang tinitilian dito eh.. so it means....


"hoy commoner! kanina pa kita hinahanap ah?" biglang may boses na nag salita sa likuran ko. alam na alam at kilalang kilala ko ang nakaka iritang boses na yun. si steph naman naka ngisi sakin. makakatikim talaga ng sapok sakin to mamaya. >.<


gusto ko sana sya lingunin kaso tinatamad ako. bahala sya dyan. tinuloy ko nalang ang pag kain ko.

napansin kong nag lakad sya papunta sa gilid ko at hinila nya yung upuan sa tabi ko. ang tigas talaga ng mukha nya. di ba sya makaramdam na ayoko sya makita?

naupo sya sa tabi ko at tinitigan ako habang kumakain.


"oh? bat tinigil mo pag kain mo? kain ka lang. maaga pa naman para itutor kita eh." sabi nya sabay ngiti.

The Bully and The GangsterWhere stories live. Discover now