Chapter 40

511 25 18
                                    


chapter 40

-no idea-

Written by liannesymon


Isabella PoV


Nandito ako ngayon sa sakayan ng bus papuntang manila. babalik na ako sa school. ang dami ko tuloy bitbit. gusto sana ko ihatid ni nanay hanggang dito sa sakayan ng bus pero sabi ko wag na. 

kagagaling lang nya sa sakit baka mabinat pa sya. ang init pa naman ng panahon ngayon. 

sasabay sana ako kay steph bukas sa pag balik ng school kaso tinawagan ako ni coach, pinababalik na lahat ng players dahil may laban pala kami 1st week of class. 

nakakaloka. unang pasok palang papagurin kana. as usual hindi ako makaka concentrate nito sa acads.

ihahatid din sana ako ngayon nung tatlong bugok na sila harold, kenet at hiro kaso sabi ko pumasok sila ngayon at wag umabsent. nabalitaan ko kasi na lagi pala sila absent sa klase at nag dedelikado na silang bumagsak. kaya sabi ko wag na nila ako ihatid at pumasok nalang dahil malilintikan sila sakin.

diko sinabi kay steph ngayon na babalik na ako sa school. pipilitin kasi ako nun na bukas nalang at sabay kami. 

ayokong mapahamak kay coach kaya diko na sya sinabihan.

tapos si kyle naman... kung itatanong nyo kung ano balita sa kanya. mas mabuting wag nalang at baka mainis lang ako. 

bukod sa wala syang paramdam sa tawag or text man lang. wala nakong balita sa kanya simula nung umalis sya sa bahay.

parang walang kyle na tumira sa bahay namin nang ilang linggo!

pakyu sya! akala nya ba papansinin ko sya sa school?! nek nek nyang bulok! manigas sya!

ganitong ang init-init ngayon dito sa terminal ng bus punyemas sya wag syang umarte arte dyan!

bakit nga ba ang tagal ng bus ngayon? kung kelan ka naman nag mamadali oh!

habang nag aantay ako ng pag ka tagal tagal sa bus, may huminto na kulay gray na kotse sa may gilid ng terminal.

may bumaba dito na lalakeng naka shades. potek ang gwapo ah! naka long tee na black lang sya at tokong na blue.

habang pinag mamasdan ko sya na papalapit ng papalapit sakin..............

teka...

papalapit sakin?!

"hoy bell." sabi nung lalaki.

"kung maka hoy ka naman! close tayo kuya?" sabi ko.

natawa naman yung lalake. medyo familiar sya wah!

"kung maka kuya ka naman. ako to!" tapos tinaggal nya shades nya. nagulat naman ako ng very light ng malaman ko kung sino sya potek. "si lance to." banggit nya.

kelan pa naging ganito ka gwapo tong damuho na to?


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Bully and The GangsterWhere stories live. Discover now