Chapter 8

1.4K 40 7
                                    


chapter 8

-First day of school-

Written by liannesymon


Isabelle PoV


June 21 Sunday. 

"anak eto ba dadalin mo?" pinakita sakin ni nanay yung rip jeans ko.


"di po nay. bawal po yan dun diba?" 


"oo nga pala. eh eto ba?" yung mga accesories ko naman pinakita nya


"di na rin po nay. muka namang di ko din magagamit yan dun!"


aligagang aligaga kami ni nanay kaka ayos at impake ng mga gamit ko. 7:30am ng umaga bising busy kami ni nanay, jusko pano ba naman ang gagang stephanie 8 daw kami aalis! akala ko naman mga hapon pa! jusko kaya ayan tuloy super madali ako kaka ayos. 

iniwan ko na yung mga damit na palagi kong sinusuot dito. halos lahat ng dadalin ko puro pambahay lang tsaka yung mga damit na pinamili sakin ni steph. 

"anak aayusin ko lang yung mga dadalin mo sa baba. ilalagay ko na yung toothbrush mo tsaka sabon, tuwalya... jusko mahihilo ata ako! hindi man lang sinabi ni steph ng maaga para kagabi naayos ko na mga dadalin mo." sabi ni nanay at bumaba na.


nilagay ko na sa bag yung mga damit ko. dalawang maleta dadalin ko. pinahiram ako ni steph ng maleta kahapon, buti nalang dahil sa totoo lang wala naman ako pag lalagyan dahil maliliit mga bag ko dito.


"ANAK YUNG MGA NOTEBOOK MO BAKA MAKALIMUTAN MO!, YUNG BALLPEN TSAKA PAPEL WAG MONG IIWAN!" sigaw ni nanay sa baba. ibinili nga pala nya ko ng mga bagong gamit sa school. 


"opo nay! nasa maleta napo lahat!"


"BUMABA KANA RIYAN ANAK!! KUMAIN KA MUNA!" sigaw ulit ni nanay. oo nga pala hindi pako nag aalmusal. nung tumawag kasi si steph sa cellphone kanina, bumangon agad ako at nag ayos. nalimutan ko na kumain..


"ayan na po nay!" tapos bumaba nako matapos ko maayos yung dalawang maleta.


pag baba ko kumain agad ako sa lamesa, si nanay naman busy sa kaka ayos ng mga personal hygiene ko. ibinili nya pako ng mga bagong toothbrush at sabon. sabi ko kay nanay kahit yung nasa banyo nalang namin eh pede pa naman yun. 


"bell anak kumain ka ng kumain dyan at ng may lakas ka mamaya.. loloadan agad kita anak mamaya para matawagan mo ako.. tapos yung mga gamit mo ayusin mo pag kaka lagay dun ah? kapag may problema o nakalimutan ka tawagan mo agad ako ha?' sabi ni nanay. napaka sweet talaga ng nanay ko.


"opo nay." ngumiti sya sakin tapos nilagay na nya sa bag yung ibang dadalin ko.


"nay ligo na po ako, baka bigla po dumating si steph eh." 


"o sya sige, iwan muna yang pinag kainan mo ako na bahala dyan."


"salamat po nay."


tapos dumeretso nako sa banyo. after 9mins tapos nako maligo. dumeretso agad ako sa taas para mag bihis at mag ayos. isusuot ko ngayon yung binili sakin ni steph hihi.. tapos inayos ko na buhok ko. habang nag aayos ako naririnig ko na yung bunganga ni gaga sa baba. mukang andito na sya, kaya minadali ko na ang pag aayos.

The Bully and The GangsterWhere stories live. Discover now