chapter 38.1
-good lies, bad lies part 2-
Written by liannesymon
Isabella PoV
"Bakit ang dami naman nito? halos pede nako mag tayo nang sarili kong tindahan ng mga chocolates sa dami nito eh." puna ko sa sobrang daming uwing chocolates nila luke at travis samin.
halos buong duty free ata binili nila. kaya pala parang ang daming laman nung kotse kanina. may mga pabango din at damit. kaloka. lakas maka ofw nitong dalawa na to eh.
tapos nakakaloka din na bawat labas nung dalawa eh nakakarinig ako ng mga sigawan na akala mo eh kinikiliti na mga ewan yung mga kapit bahay kong makakati pa sa higad! jusko!
tyak na hindi nanaman ako titigilan ng mga kapit bahay kong plastik kakatanong about dun sa dalawa. mga magagaling lang pag may kelangan! mga feeling close jusko.
after kasi namin kumain, kinuha na namin mga dalang gamit nila luke at travis sa kotse. akala ko nung una mga simpleng pasalubong lang mga tipong isang plastik lang ganun.
yun pala mga sampong plastik at mga paper bags ang kukuhanin namin kaloka.
"sus konti pa nga yan eh. iniisip ko pa nga bumili mamaya para kay auntie." sabi naman ni travis.
gusto ko sana syang konyatan para naman malaman nya na ang dami dami na nitong dala dala nila. sobra na para samin tong pasalubong nila kaloka.
mga mayayaman talaga hindi na iniisip nagagastos nila eh hayss..
"sobra nato ano kaba! halos di na nga kasya yung iba sa ref eh." sabi ko,
"ok naba si auntie bell?" tanong naman ni luke.
nandito kami ngayon sa sala at inaayos ang mga dala nilang pasalubong.
"oo nag papahinga na sya sa kwarto nya. salamat sa pag aalala" sabi ko.
"bell, pede ko ba makita picture ng mom mo?" tanong nya ulit.
nag taka naman ako sa tanong nya.
"ok lang. teka kuhanin ko." sagot ko.
tatayo na sana ako para kunin yung picture pero pinigilan naman ako ni kyle kaya napa upo ulit ako.
"problema mo?" tanong ko.
"nasa kwarto ni tita mga pictures diba? wag muna kunin at baka magising pa si tita maistorbo pa natin pahinga nya." sabi nya.
"pero.." sasagot pa sana ako..
"di naman siguro importante yun bro diba?" tanong nya kay luke.
"hehe di naman. sige wag na bell nakakahiya kay auntie." sabi ni luke.
"ok. teka tawagan ko na si steph. siguro naman kelangan na nya malaman na nandito kayo." sabi ko at kinuha ang fone ko para tawagan si steph.
Luke PoV
"Pasukan na natin nextweek. nakakatamad pumasok tsk." sabi ni travis.
"sya nga pala. diba nandito na si jusis? tinawagan naba nya kayo?" tanong ko.
"hindi pa." sagot naman ni kyle.
YOU ARE READING
The Bully and The Gangster
Teen FictionIsabella Dominguez, A girl who are trying to be fierce,strong and respectable. Isabela is a gangster who hangs around a gangs and a brilliant genius leader that have an organize group. Sean kyle perez. the no.1 bully in school. beside using his mo...