Chapter 38

400 19 9
                                    


chapter 38

-good lies, bad lies-

Written by liannesymon



Kyle's PoV


"gustong.. gusto kita bell.."

nakatingin lang sya sakin at parang naguguluhan. 

"i like you so much that's why i did that.. sana.. sana mapatawad mo ko."

"anong ibig mong sabihin?" tanong nya.

"ayokong makulong ka sa isang bagay na ayaw mo. gusto kong maging malaya ka. i want you to be free to roam and to do the things you want. ayokong mahusgahan ka ng mga tao at laitin sa mga bagay na ginagawa mo. hindi ko kayang masaktan ka. i know that life. i don't want you to experience that. ang buhay kung saan nag iisa ka lang at walang kakampi. bawat galaw mo tinitingnan nila. bawat galaw mo naka monitor at dapat lahat ng gagawin mo ay tama. konting pag kakamali mo marami silang nasasabi. i don't want you to experience that."

napakamot sya ng ulo. halatang di nya maintindihan ang sinasabi ko.

"deretsohin mo nga ako kyle. ano bang sinasabi mo? ano bang gusto mong sabihin?"

"you're a princess." 

"ha?"

"you are the missing princess of england. Princess Arabella Emperna."


Cringgggg!!!!! Cringggggg!!


nagising ako sa tunog ng cellfone ko. 

"ughh sino ba to?" tiningnan ko kung sino tumatawag at unknown number. potek istorbo naman sa pag tulog to e. hindi ko sinagot at pinatay ang tawag. 

chineck ko ang time at nakita kong 11:45am na ng umaga. 

"shit. napahaba ang tulog ko." 

bumangon ako agad at lumabas ng kwarto. naabutan kong nanunuod ng tv si bell. 

naisip ko tuloy yung panaginip ko. tsk. buti nalang panaginip lang yun.

pumunta ako kusina para kumuha ng tubig sa ref.

nakita kong napalingon sya sakin.

"nandito na sa pilipinas si kuya zed." banggit nya. nag nod lang ako tapos sinimangutan nya ako. problema nito?

nag tungo nalang muna ako sa banyo para mag toothbrush at mag face wash.

after ko mag hilamos lumabas na ako.

"nandun na sa kusina pag kain mo. kumain kana. iligpit mo yang kakainin mo ah." sabay irap nya at pinatay na ang tv tapos pumasok na sya sa kwarto nya.

potek bakit ba badtrip yun?


Travis PoV

"hays.. bakit ba ang layo nitong bahay nila bell? mas malayo pa ata ito sa hawaii. nakaka boring ang byahe." 

"traffic lang." sagot naman ni luke.

"kahit kanina pa tayo nakalagpas sa traffic 1 hour ago?"

"haha wag kana nga mareklamo dyan. ibababa kita dyan sa nlex makita mo." 

"tagal naman kasi eh."


papunta kami ngayon ni luke sa bahay nila bell. nabalitaan kasi namin na dun pala nag babakasyon ang loko.

The Bully and The GangsterWhere stories live. Discover now