chapter 18.1
-fake or real part 2-
Written by liannesymon
Isabella PoV
lumabas muna ako ng clinic para bumili ng pag kain nung abno. kung di lang talaga ako mabait hindi na ako babalik at hindi ako mag aaksaya ng pera para lamang ibili sya ng pag kain! napaka swerte nya at hindi ako masamang tao! psh -_-
nakakainis lang bakit kasi lumabas labas pa sya ng lungga nya kung masama naman pala na ang pakiramdam nya? pati tuloy ako napeperwisyo nya eh! tsaka bakit ba hindi alam nila travis to? o baka naman alam nila, pero ayaw lang nila talaga alagaan tong abno na to? kawawa naman pala sya kung ganun..
pag dating ko ng cafeteria omorder lang ako ng foods at nag take out. hindi na ako nag tagal pa dun at baka kung ano na ang pinag gagagawa nung halimaw dun sa clinic. hindi ako nag aalala sa kanya wah! dun ako sa nurse nag aalala baka binubully na nya! alam nyo naman yun kahit may sakit nagagawa padin mang bully.
after 20mins siguro naka balik na ako ng clinic. pag dating ko dun dumeretso agad ako sa room ni gago. pag pasok ko nakita ko sya natutulog. aba mukhang masama nga talaga ang pakiramdam nya..
pumunta ako sa table na malapit sa bed nya at inilapag yung pag kain. bumili ako ng goto, speaking of goto! punyeta apaka mahal naman pala ng goto dito! 90php! jusko samin 15php lang ang goto eh! bwisit na lalake kasi to imbis na nag titipid ako napapa gastos tuloy ako!
dito sa room nya kumpleto ang gamit. pang vip ang room na binigay sa kanya. rich kid ang pota. edi sya na!
kumuha ako ng mangkok at inilagay ang goto dun. nag timpla din ako ng gatas para naman mag kalakas sya. grabe hindi ko expect na magiging nurse ako ng impaktong to! matapos ang lahat ng kawalang hiyaan nya sakin eto pa ang igaganti ko? aba bigyan nyo ako ng award mga friendship! most kindness person on earth! chos!
so eto na nga! matapos ko ilagay sa mangkok yung goto eh inilapag ko na sya sa minitable na katabi lang din ng bed nya kung saan pede kumain yung patient dito.
tulog padin ampota! akala ko naman magigising sya sa ingay ko! puro pag dadabog kasi ang ginagawa ko! pati pag sarado ng pinto inilakas ko ang pag sara pero hindi padin sya nagigising. hayss no choice..
lumapit na ako sa kanya para gisingin sya.
"hoy" tapik ko sa kanya pero wala padin sya galaw. "hoy gising na! kumain kana bwisit ka!" gumalaw sya ng konti pero di padin gumigising.. pinag iinit talaga ulo ko ng bwisit na to!
"HOY ANO BA! GIGISING KABA O ITATAPON KO SA MUKHA MO TONG GOTO?!" sigaw ko sa kanya. mukhang nagising naman sya.
"hrmm.. bakit kaba sumisigaw? nakita munang natutulog yung tao eh." sabi nya sabay higab.
"ulol! kumain kana bago mo pa ako maasar." sabi ko. napatingin naman sya sa table nya.
"goto?"
"hindi. pansit yan! may nakita kabang noodles?"
"subuan mo ko." sabi nya na ikinataas ng kilay ko.
"aba hoy! may lagnat ka lang! hindi ka baldado!"
"nang hihina ako.. sige na" sabi nya.

YOU ARE READING
The Bully and The Gangster
Fiksi RemajaIsabella Dominguez, A girl who are trying to be fierce,strong and respectable. Isabela is a gangster who hangs around a gangs and a brilliant genius leader that have an organize group. Sean kyle perez. the no.1 bully in school. beside using his mo...