Chapter 6

1.1K 35 4
                                    


chapter 6

-New Life-

Written by liannesymon


RAMONA HIGH SCHOOL

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

RAMONA HIGH SCHOOL

Ang school ng mga gangster. Ang school kung san ako unti unting nag kaisip at nahubog. Ang school na minahal ko. Ang school kung san ko nakilala ang pangalawang pamilya ko.


ang sakit isipin na hindi ako dito mag tatapos. kahit na magulo at halos hindi naman nag tuturo ang mga teacher dito ok lang, kahit na marami akong nakaka away araw araw, kahit na madumi ang mga cr at mga classroom dito dahil sa mga pakshet! kong schoolmate ok lang, mahal na mahal ko padin ang school nato. huhuhu naiiyak talaga ako sa tuwing maiisip ko na hndi ako dito mag tatapos at iiwan ko na sya, sa tuwing maiisip ko to parang gusto kong mag back out sa pag transfer ko sa EU, lalo na pag maiisip ko yung walang kwentang lalake na yun huhuhu.. maisip ko palang sya naiirita nako! 

kaya lang sa tuwing maiisip ko naman si nanay at si steph, ayoko sila madisappoint kaya itutuloy ko na to. gow na gow na ako.


"ANAK!!" sigaw sakin ni nanay sa baba.

tumayo nako sa kama at lumabas


"bakit po nay?"


"nandito ang mga kaibigan mo.." napaisip naman ako.. mga kaibigan?


pag lingon ko sa may sala nadun sila harold, hiro, kenet at james.. aba? kumpleto ang blood lust! ano naman ginagawa ng mga mokong na to dito? teka..... parang alam ko na... :(


"anong ginagawa niyo dito?"  napatingin sila sakin at malulungkot ang kanilang pag mumuka


"totoo bang lilipat kana ng school?" tanong ni hiro


"oo.. pasensya na kung di ko nasabi agad sa inyo, pinag iisipan ko pa kasi kung pano sasabihin sa inyo." 

isang linggo na kasi ang nakakalipas simula ng makuha ko ang scholar ng EU at matanggap ako sa EUV girls. hanggang ngayon kasi hindi ko alam kung paano ko ipapaliwang sa grupo ko ang gagawin ko. tsaka sa principal ng Ramona. sa totoo lang malaki akong kawalan sa Ramona, bukod kasi kay lance na pinuno ng "the 3 knights", ako lang ang isa sa pinaka matinong studyante ng ramona, kaya kami lang ni lance ang pinag kakatiwalaan ng principal at nag aayos ng Ramona. si kaizer kasi na pinuno ng "ocean eight" hindi mo maaasahan. bukod kasi sa puro away at gulo ang gusto nun hindi pa pumapasok madalas, kaya ngayon talagang nag momorblema ako kung paano ang gagawin ko.

The Bully and The GangsterWhere stories live. Discover now