chapter 27
-Vacation-
Written by liannesymon
Isabella PoV
Aug, 24 Monday
7:15am
"bell nag review kaba?" tanong sakin ni travis.
"oo, halos hindi na nga ako nakatulog kagabi. diba obvious na puyat ako? look oh!" sabay turo ko sa mata ko.
"maganda ka parin naman eh. di halata." sagot ni travis.
"nang uuto ka nanaman!" sabay batok sa kanya ni kyle. -_-
"bro, kelangan ba sa lahat nang bagay nag seselos ka?" inis na tanong sa kanya ni travis.
"lul! di ako nag seselos!"
"kahit ikiss ko ngayon si bell di ka mag seselos?" nag dilim bigla ang muka ni kyle sa sinabi ni travis. "hehe to naman di mabiro." sabay kamot sa ulo ni travis at humarap nalang kay luke at sya nalang ang kinukulit.
mga 7:30am na dumating ang teacher namin. infairness ngayon lang sya nalate nang ganto katagal. minsan kasi laging on-time si mam.
pinamigay na ang mga test paper namin. hindi kami makaka kopya dito dahil nag lagay sila ng mga cctv cams last week. mga KJ! mga walang pakisama sa students! kainis! buti nalang at nag review ako! and thank you rin kay kyle dahil kahit mukang labag sa loob nya nireview din nya ko last week kapag may time sya.
nag start na kami mag sagot. pag kakita ko sa test paper at sa mga questions napangiti ako. halos lahat ng questions eh na review ko at sigurado ako sa mga isasagot ko!
nakakaloka nga lang yung ibang nareview ko kagabi eh wala dito? puro yung nireview namin ni kyle ang lumabas dito. buti nalang talaga.
sinagutan ko agad lahat ng questions nang may ngiti sa labi. ang sarap pala sa piling na yung pinag hirapan mong reviewhin yung mga pilit mong pinapasok sa utak mo ay makikita mo ngayon sa test paper at madali mo syang nasasagutan? yung piling mo na ang tali-talino mo na dahil nasasagutan mo sya nang walang kahirap hirap? nako mukang mayayakap ko nito mamaya si kyle. hihi sobrang thankful talaga ako sa kanya.
yung feeling na ang hirap hirap mong turuan? ako kasi yung type na maiinis ka na turuan? madami kasi akong reklamo at madaling mainip. tsaka hindi mabilis pumapasok sa utak ko yung nirereview ko, pero si kyle... nag tyaga syang turuan ako at ipasok sa utak ko lahat nung tinuturo nya! kahit na asar na asar na sya pinilit parin nyang ituro sakin ang mga kelangan kong malaman.
ngayon ko lang talaga narerealize na ang swerte ko na napalapit ako and naging friend ko sya kahit na ang pangit nang simula namin.
we have 1 hour para tapusin ang exam. history ang class namin ngayon. at dahil late si mam imelda nang hiram muna sya nang another 30mins kay mam yvette na math teacher namin. kasi wala naman kaming P.E test mamaya kaya ok lang mag adjust nang time.
saktong 8am naunang nag pasa ng paper si kyle. ambilis nya matapos ah? napatingin sya sa gawi ko at nag ok sign. nginitian ko lang sya. pag tapos nun lumabas na sya nang room. napatingin din sa gawi ko si amanda tsaka nya ako inirapan. inggeterang palaka talaga -__-
5mins lang matapos mag pasa si kyle eh pinasa ko na din ang paper ko. tuwang tuwa akong inabot ang test paper ko kay mam. ganun ako ka confident na tama lahat nang sagot ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/71939874-288-k847374.jpg)
YOU ARE READING
The Bully and The Gangster
Teen FictionIsabella Dominguez, A girl who are trying to be fierce,strong and respectable. Isabela is a gangster who hangs around a gangs and a brilliant genius leader that have an organize group. Sean kyle perez. the no.1 bully in school. beside using his mo...