chapter 35
-new beginning-
Written by liannesymon
Isabella PoV
Kringggggg!!!!!!
Tunog nang alarm clock ko. pag tingin ko sa oras 6am ng umaga. sobrang inaantok pa ako at wala pa ako ganang gumising.
5minutes babangon nako. sabi ko sa sarili ko kaya naman natulog ako ulit sandali.
ToK!! ToK!!!
isang malakas na katok ang aking narinig mula sa aking pintuan nang muli kong ipikit ang aking mga mata. napamura nalang ako sa isip isip ko dahil hindi pa nga ako nakakabalik sa pag tulog may nambubwisit agad sa akin umagang umaga.
dahil nga gusto ko ulit maka idlip. dedma ako sa kumakatok. alam ko naman kasing hindi si nanay yun.
so nung pinilit ko makatulog. hindi na talaga ako nakatulog pa.
PANO AKO MAKAKATULOG KUNG WALANG HUMPAY NANG KAKAKATOK YUNG PUNYETANG NASA MAY PINTUAN?! BALAK ATA SIRAIN YUNG PINTO KO!
"ANO BA?!!" sigaw ko.
"lumabas kana dyan! napapaligiran kana namin!" sagot naman nung impakto.
"ULOL!" sagot ko. nakarinig naman ako nang malakas na tawa.
umagang umaga talaga lakas mambwisit. hyper nanaman ang walangya. late na nga kami nakatulog kagabi ng dahil sa kakulitan nya tapos eto nanaman at maagang nagising para mang asar ulit. haysss
kahapon nung bumalik sya sa hospital talagang sobrang nag alala ako baka kasi hindi pa sya magaling or pinilit nya lang makalabas nang hospital. kilala nyo naman tong si kyle, basta kung ano maisip gagawin nya kahit hindi maganda ang kalalabasan. naisip ko na baka mamaya tumakas lang sya sa parents nya para makapunta dito at baka mamaya sugurin kami nang mga magulang nya at kami pa sisihin dahil baka isipin ako nag sabi na pumunta sya dito kahit wala kami communication nung mga nakaraang araw. alam nyo namang masama ang dugo sakin nang nanay ni kyle. hindi ko alam kung ano ba masamang nagawa ko para maging ganun sya sakin. base kasi sa mga nakukwento sakin ni steph eh ganun ang tingin ko.
pero nung pinaliwanag naman nya at ni steph na pinayagan nga daw si kyle makalabas nang hospital at bumalik dito eh talaga namang nagulat ako sa naging desisyon nang nanay nya. hindi ko alam kung paano nya napapayag basta sinabi nya sakin na ok na daw. hindi ko nalang inusisa pa, ang mahalaga kasi masaya sya at nakabalik na sya dito samin.
aaminin ko na masaya ako sa pag balik nya. masaya akong nakikitang malakas na sya at nakakatawa na ulit. yun lang naman ang mahalaga sakin. ang makitang ok sya at masaya :)
nakarinig nanaman ako nang malakas na katok. napaka kulit talaga!
"AYAN NA! PAG NASIRA YANG PINTO KO IHAHAMPAS KO YAN SA MUKA MO!" sigaw ko sa kanya. bumulalas nanaman sya nang tawa.
hindi ko alam kung bakit tawang tawa sya kapag nagagalit ako. abnormal ata tong lalaki na to. tinamaan siguro utak nung nahospital sya.
"bilisan mo kasi lalamig na yung pag kain eh." sagot nya. pag kain?
bumangon na ako at niligpit yung pinag higaan ko. wala naman ako choice dahil hindi naman mag lulubay yung impakto na to kakakatok sa pinto ko hanggat hindi ako bumabangon.
![](https://img.wattpad.com/cover/71939874-288-k847374.jpg)
YOU ARE READING
The Bully and The Gangster
Teen FictionIsabella Dominguez, A girl who are trying to be fierce,strong and respectable. Isabela is a gangster who hangs around a gangs and a brilliant genius leader that have an organize group. Sean kyle perez. the no.1 bully in school. beside using his mo...