Chapter 12.1

888 36 4
                                    


chapter 12.1

-general assembly final part-

Written by liannesymon


Sean Kyle PoV


Grabe.. napaka boring talaga pag may general assembly. mas ok pa pag may klase eh. wala naman sinasabing maganda yung nag sasalita sa harap puro about rules and regulations at mga gagawing activities sa darating na mga buwan lang. boriiinggg

eto namang katabi ko wala rin kwenta. hindi ako pinapansin! kanina ko pa kinakausap pero hindi ako pinapansin!.., puro irap ang natatanggap ko kapag susubukan ko syang kausapin anak ng. ano bang problema nya? wala pa naman akong ginagawang masama sa kanya. tsaka kaya lang naman ako sumigaw kanina na may gusto sya sakin, para makuha ko atensyon nya! nakakainis kasi, pag si luke at travis ang kumakausap sa kanya ang tino nyang makipag usap! pero pag sakin wala na, kundi irap makukuha ko sa kanya sisigawan nya ako! nakakabadtrip. lagi nya nalang ako pinag tataasan ng boses! kaya lagi syang napapasama sa mga studyante dito eh. hehe sabagay ok lang yun. deserve nya na mahirapan. 

tsaka isa pa, bakit ba sya nagagalit sakin eh dapat nga ako ang magalit sa kanya? sya tong nag buhos sakin ng cereal tapos sya pa tong may lakas ng loob magalit? anak ng. naalala ko nanaman yun!! badtrip talaga, hindi ko pa nakakalimutan yun amp. sya lang ang kauna unahang tao na nag lakas loob gawin yun sakin, tsaka ano bang kinagagalit nya eh lahat naman ng sinasabi ko tungkol sa kanya eh totoo? nasaktan ba sya dahil sinabihan ko sya ng mahirap? sus eh totoo naman yun. hirap intindihin minsan ng mga katulad nya.


maya maya may lumapit saking babae. kilala ko sya. isa sya sa student council.


"hi kyle." tumingin lang ako sa kanya. "ok lang ba na pasayawin namin kayo nila luke at travis mamaya sa stage para sa intermission? lahat kasi ng club gusto namin ipakilala sa mga freshmen natin at transferees.  ok lang ba?" anak ng. bakit ngayon lang nila sinabi? wala kaming practice nila travis at luke. 

"teka bakit kami lang? yung music club may intermission din?" tanong ni travis.


"wala, kasi masyado na daw malaki ang makakain sa oras kaya kayo nalang ang pinasok sa intermission." sabi nung babae.


"wala kaming praktis. bakit ngayon niyo lang sinabi?" tanong ko.


"sorry kyle. napag utusan lang naman ako ng principal. hindi ko rin naman akalain na papasayawin pa nila kayo kasi ang alam ng student council, ipapakilala lang ang mga clubs." badtrip naman.


napansin kong parang natatawa itong katabi ko.


"anong tinatawa mo dyan?" 


"tumatawa ba ko? tss." sagot ni commoner. 


"sige sasayaw na kami." nagulat sila travis sa sagot ko.


"BRO!" sabi ni trav.


"ok lang yan." 


"anong ok dun bro? wala tayong praktis ano sasayawin natin?" tarantang tanong ni travis. 


The Bully and The GangsterWhere stories live. Discover now