chapter 34.1
-Choice part 2-
Written by liannesymon
Isabella PoV
Ok na kaya sya?...
kamusta na kaya kalagayan nya?..
kumakain na kaya sya?...
ang daming tanong sa isip ko na halos walang kasagutan...
puro pag aalala... puno nang regrets.. puno ng puro sana ganyan sana ganto..
ilang araw na ako nag kukulong sa kwarto upang mag isip isip at makalimot..
halos mag dadalawang linggo narin simula nang maospital si kyle..
simula kasi nung dumating ang mga magulang ni kyle nun sa ospital, nawalan na ako nang chance upang malaman kung ano ba kalagayan nya. kung naging successful ba ang pag gamot sa kanya o ano.
hindi ko rin naman nakausap ang mga magulang ni kyle sa pangyayari. kahit nga si nanay hindi rin kinausap eh. hindi ko alam kung mas mabuti ba yun o dapat ata kinausap namin sila about sa nangyari.
sabi ni steph mas ok na daw yun, mukang ang focus daw ng family ni kyle eh yung gumaling sya. tsaka nahuli naman na daw yung bumaril sa anak nila kaya ok na daw yun. weird diba?
actually ang weird nga daw kasi kadalasan uungkatin pa nung mom ni kyle ang pangyayari at tyak na gagawa daw ng paraan yung mom ni kyle upang masira ang pamilya nung nanakit sa anak nila pero ngayon daw halos wala daw ginawa at hinayaan nalang.
nag pupumilit pa nga si nanay na kausapin si madam chairman azucena pero pinigilan sya ni steph na wag na nga raw dahil baka lumala pa. sabi pa ni steph kay nanay na iuwi na nga daw ako para makapag pahinga at babalitaan nya nalang daw ako kung ok na si kyle.
after two days simula nang maospital si kyle, tumawag sakin si steph at ok na nga daw si kyle. ililipat daw nang private hospital sa manila si kyle na pag aari mismo ng mga perez at dun itutuloy ang gamutan para mabantayan at mas mapabilis ang pag galing daw nito.
lumuwag ang pakiramdam ko nun nang malaman kong ok na nga sya. pero nag aalala pa din ako syempre. hindi man lang ako nakapag paalam sa kanya nang ayos at hindi ko man lang sya binisita sa loob nang dalawang linggo.
natatakot kasi ako sa nanay ni kyle noh! tsaka sabi ni steph wag na nga daw ako pumunta dun dahil baka may hindi pa magandang mangyare.
nakakaloka naman kasi tong nanay ni kyle. lakas maka bad vibes jusko.
hayss... two weeks ko na sya hindi nakikita. kamusta na kaya sya? i'm sure galit sya sakin dahil hindi ko sya sinunod.
hindi naman kasi ako ganun ka tanga para sundin sya noh! sino ba namang nasa matinong pag iisip ang susunod sa sinabi nya?
kayo ba pag nakakita ng duguan or pag ba nabaril friend nyo titingnan nyo lang or iuuwi nyo lang sa bahay? jusko. syempre diba tatawag ka nang ambulance pra dalin sya sa hospital!, so ganun ang ginawa ko. kahit na.... kahit na sinabi nyang hindi ko na sya makikita pa. mas mahalaga padin sakin na maging ligtas sya.
totoo kaya yun? hindi ko na ba talaga sya makikita pa? sabi rin kasi sakin ni steph na ganun nga daw magiging siste.
pero impossible naman na hindi ko sya makita. classmate ko kaya sya! tsaka one week nalang at mag papasukan na ulit kami. makikita ko ulit sya.
YOU ARE READING
The Bully and The Gangster
Novela JuvenilIsabella Dominguez, A girl who are trying to be fierce,strong and respectable. Isabela is a gangster who hangs around a gangs and a brilliant genius leader that have an organize group. Sean kyle perez. the no.1 bully in school. beside using his mo...