chapter 7
-The Queen of Gangster-
Written by liannesymon
Isabella PoV
Last day na ngayon ng aming vacation. ang dami ko dapat gawin ngayong araw na to, pero bakit ganun? parang ang lungkot ng umaga ko?
6am palang ng umaga bumangon na agad ako. pag baba ko sa sala nakita ko si nanay nag hahanda na nang almusal namin tsaka ng ititinda niyang puto para mamaya.
"nay goodmorning po." tsaka ako naupo sa hapag kainan
"anak bat ang aga mo ata?"
"kelangan ko po kasi pumunta ng school mamaya para mag paalam."
"ganun ba? eh bakit ganyan ang muka ng anak ko? umagang umaga malungkot ata ang aking prinsesa?" lumapit sakin si nanay at naupo sa tabi ko. hinawakan niya ang kamay ko
"anak kung hindi mo gusto lumipat ok lang." sabay ngiti sakin ni nanay. alam niya kasi na mahirap para sakin ang lumipat lalo na ngayon na graduating na ako.
"nay ok lang naman po sakin. tsaka eto po talaga ang gusto ko. sadyang hindi ko lang po talaga mapigilan na malungkot, bukod po kasi sa iiwan ko na ang school ko eh maiiwan ko din po kayo mag isa dito.."
sabay yakap sakin ni nanay.
"anak wag muna isipin yun! kaya ko ang sarili ko." niyakap ko din si nanay. ano ba yan! umagang umaga ang drama namin.
tumayo na si nanay at nag handa na ng almusal. itlog at sinangag almusal namin tsaka pandesal.
habang mataimtim akong kumakain biglang dating naman ni stephanie.
"bell! goodmorning!!" sabay beso ni gaga sakin.
"bat ang aga mo naman nandito? mamaya pa tayo aalis diba?"
"well boring kasi sa bahay tsaka ang aga ko nagising hehe excited nako for you!!" ngiting ngiti si gaga sakin. excited para naman saan? sa pag lipat ko? sus ano naman nakaka excite dun..
"dahil lang dun kaya maaga ka nagising? jusko maloloka ako sayo! kumain kana nga lang dyan!" sabi ko. tapos naupo na si gaga at kinuha ang isang itlog at pinalaman sa pandesal.
maya maya sumabay nadin samin si nanay. habang kumakain kami panay daldalan yung dalawa about sa EU. kung ano mga rules dun, anong klase mga studyante dun, tapos kung mahirap daw ba mga subject dun! tapos kung ano ano pa. hindi ko nalang sila pinansin. dedma nalang dahil ang iniisip ko ngayon ay kung ano ang sasabihin ko sa principal mamaya. jusko im sure madidisappoint sya sakin, inaasahan niya kasi na dun ako mag tatapos! tapos malalaman niya na lilipat ako dahil sa scholar ng EU? jusko sana naman maintindihan niya na napaka rare opportunity neto sakin. kapag di ko pa ito grinab ngayon, wala nakong chance pa para makapasok sa isang napaka gandang eskwelahan. napaka swerte ko nga dahil makakapasok ako dito dahil sa schola na yun eh.

YOU ARE READING
The Bully and The Gangster
Novela JuvenilIsabella Dominguez, A girl who are trying to be fierce,strong and respectable. Isabela is a gangster who hangs around a gangs and a brilliant genius leader that have an organize group. Sean kyle perez. the no.1 bully in school. beside using his mo...