Chapter 24.2

829 38 13
                                    


chapter 24.2

-Unforgettable night last part-

Written by liannesymon



Sean Kyle PoV


"paano mo sya nakilala prince jusis? and kyle? what are you doing here? mag kakakilala ba kayo?" tanong ni mom samin. pambihira hindi na ko mapakali. pinag papawisan na din ako ng malapot. kilala pa naman ako ni mom kapag ganto ang kinikilos ko tyak na malalaman nyang may itinatago ako. tsk. problema to.

"ahh tita bale nakilala lang namin si bell this year. classmate namin sya. pinsan sya nila luke." sabi ni travis sabay ngiti. magaling talagang aarte to kapag gantong nagigipit kami.

"pinsan?!" sabi naman ni jusis. pahamak talaga tong bugok na to. >,<

inakbayan ko si jusis tsaka nag salita.

"oo pinsan nila luke yan diba?" pinanlakihan ko sya ng mata at hinampas hampas ng mahina sa likod.

"ahh oo nga pala. i forgot, auntie she's bell.. cousin nila luke and stephanie. nakilala ko sya because of them." palusot naman ni jusis.

"really?" sabi naman ni mom. nakangiti sya pero ampeke ng ngiti nya. hindi makatotohanan. halatang pinag dududahan nya kami. 

"yes po auntie. anak po sya nila tito edward." sabi naman ni luke.

"edward? oh really? hindi sya masyadong familiar sakin kapag nakikipag meeting ako minsan sa family nyo. but anyway bell iha.. your dress looks gorgeous. anong brand yan iha?" tanong ni mom. takte kelangan ba talaga tinatanong nya yun?

"Mom, stop it."

"why kyle? im just asking her dress. maganda kasi ang yari." sabi ni mom.

napatingin naman ako kay bell at halatang kinakabahan din sya.

"auntie its v-"

"i'm not asking you steph iha. kelan kapa naging bastos?" sabi ni mom kaya hindi na natuloy ni steph ang sasabihin nya. mukhang napahiya si steph sa sinabi ni mom kaya umatras sya ng konti. sensitive pa naman tong si steph kahit ganyan yan. inakbayan nalang sya ni luke. pansin kong nag gilid ang luha ni steph. alam naming ganto ang ugali ni mom pero hanggang ngayon hindi parin ako sanay. gusto ko syang sitahin sa ginawa nya pero kapag ginawa ko yun mas lalo lamang lalaki ang gulo. kaya tumahimik nalang ako.

"its Versace. its a seasonal clothing brand, this is an italian fashion. why did you ask president azucena?" napanga-nga kami sa sinagot at sa attitude na pinakita ni bell. hindi sya nakangiti. napangiti nalang ako ng palihim sa inasta nya. itong bell ang kilala ko. tss. im sure na nabadtrip sya sa ginawa ni mom.

"hmmm nice dress. and i like your attitude iha. mukang may maipag mamalaki ka. hope na mag kita pa ulit tayo.. so prince jusis babalik na muna ako sa table namin, kyle sumama ka sakin." umalis na si mom at lumakad na pabalik sa table nila kanina. sumunod naman ako sa kanya. 


pag kaupo namin sa table andon din si dad.

"anak bakit ganyan ang muka mo? ano ba nangyari?" tanong ni dad samin.

"nothing worth of your time. anyway... kyle, you look nervous kanina. i know that you're hiding something from me. who is that girl?" tanong agad ni mom sakin. nakatingin lang si dad.

"sinong girl?" tanong naman ni dad.

"may pinakilala kasi sakin si prince jusis. masyadong ako nacucurious dun sa babae kasi mukang interesado sa kanya ang prinsipe.. bukod dun that girl looks really suspicious. sabi nila isang villafuerte daw yun but never ko syang nakita sa pamilyang yun."

The Bully and The GangsterWhere stories live. Discover now