Chapter 47

468 21 9
                                    


chapter 47

-Sorry-

Written by liannesymon




Isabella PoV


katatapos lang ng Science class namin. eto ako ngayon kalalabas lang ng lab room. iniwan ko muna si lance dun sa loob dahil pinag uusapan pa nila ng partner nya yung gagawin sa project na binigay samin. 

actually medyo madali lang naman yung project na binigay samin. electric generator. 

nung bata kasi ako medyo mahilig ako mag kuting-ting ng mga makina. mahilig ako maki-alam sa mga kuryente at kung ano-ano kaya madalas din ako mapagalitan ni nanay nung bata ako. hihi

naalala ko pa nun na muntik nako makuryente dahil yung saksakan na dapat pang 220v eh nasaksak ko sa pang 110v kaya ayun hahaha pumutok. pinagalitan tuloy ako ni nanay ng bongga nun. makakasunog pa daw ako ng bahay.

kaya ayun. medyo excited din ako sa project nato. kahit ako lang mag isa! kayang kaya ko to! 

speaking of my partner nga pala.. ayun.. buong science period wala syang ginawa kundi bwisitin ako. bumalik nanaman sya sa mapang asar na kyle.

and take note... wala na masyadong nambubully sakin ngayon dito sa section namin. kahit ngayong nag lalakad ako sa hallway hindi nila ako pinapansin. wala na din ako naririnig na bulungan na ako ang topic. wala nakong naririnig na masasakit na salita.. 

siguro kumalat na agad sa buong campus yung ginawa ni lance.. infairness din sa lalaki na yun. hanggang dito sa EU ang lakas ng connection nya.

so ayun na nga. buong science period namin. napaka daldal ni kyle. panay sya kausap samin kahit napapansin na kami ng teacher namin! hindi lang siguro maka imik yung teacher namin dahil si kyle yung nag iingay. hindi nya syempre pede basta bastapede  pagalitan yung mokong na yun. alam nyo naman.. baka matanggal sya ng di oras!

"oy! partner!" speaking... urghhh!

binilisan ko nalang ang lakad ko pabalik ng classroom namin para di nya ko maabutan. bakit ba napaka kulit nya ngayong araw? feeling close si gago e. 

akala mo naman bati kami kung maka kausap sakin! kaasar.

"oy! teka lang!" bigla nyang hinawakan yung balikat ko para pigilan ako sa pag lalakad ko. 

hinarap ko sya.

"ano bang kelangan mo?" hihinga hinga pa sya. tinakbo nya siguro ako.. 

"baka naman pede natin pag usapan yung sa project natin?"

"wag muna isipin yun. ako na bahala." yung mukha nya parang hindi makapaniwala.

"ikaw? naku. hindi ako naniniwala. basta pag usapan natin yan. dun tayo sa park." tapos hinila nya ko.

baliw ata tong lalake na to eh! pilit kong binabawi yung kamay ko pero mas lalo lang nya hinihigpitan! napapatingin tuloy samin yung mga student na nadadaanan namin. nakaladkad nya tuloy ako papunta sa park.

pag dating namin dun.

"PAKYU KABA HA?! ANO BANG PROBLEMA MO?!" sigaw ko sa kanya. tinakpan nya naman agad yung tenga nya.

"tsk. bakit kaba sumisigaw? diba sabi ko pag uusapan natin yung project?" 

"ayokong pag usapan at lalong ayoko makipag usap sayo!"

The Bully and The GangsterWhere stories live. Discover now