Resthouse

12.5K 301 24
                                    

Althea's POV

I'm so happy that my manager gave me a break after my almost non- stop working as an actress, rockstar singer and a song writer-composer.

Anyway it's my dream naman e. Kaya lang kung minsan nakakapagod rin pala kapag halos nawawalan ka na ng time para sa sarili mo.

May nabili akong rest house sa isang lugar na napakalayo sa siyudad. Kapag gusto kong mapag-isa o di kaya ay gusto kong makabuo ng isang kanta ay dito lang ako palagi pumupunta. Tahimik ang lugar at napakaganda ng tanawin. Malapit rin ito sa tabing dagat at iisa lang ang aking kapit-bahay. But I never meet pa ang kung sino mang nakabili doon. Dati kasi ang nagmamay-ari ng isang iyon ay isang doctor na nagmigrate na sa America. Ang mga bahay ng mga taga-barrio ay magkakalayo at natatanaw ko lang mula sa labas ng aking bakuran.

3 months na rin akong hindi nakakabisita sa lugar na iyon dahil sa sobrang hectic ng aking mga schedule. "Hello my kenshin? How are you baby? I miss you so much." Ngunit tila matamlay ito at hindi ako masyadong pinapansin. "Manang Lorna.." Tawag ko sa care taker na sinuswelduhan ko upang alagaan ang rest house at pati na rin ang alaga kong aso. Kasalukuyan itong nagluluto sa kusina para sa tanghalian ko.

"Yes po Ma'am?" Nakasuot pa ito ng apron nang humarap sa akin.

"Pinapakain nyo po ba ng maayos ang kenshin ko? Parang may sakit siya kasi ang tamlay-tamlay."

"S-sorry po Ma'am." Hiyang hinge nito ng paumanhin. "Minsan po kasing busy ako sa paglilinis dito ay napabayaan ko po siya sa labas ng bahay."

"Bakit po Manang? Ano pong nangyari kay Kenshin ko?"

"Y-yon pong... yon pong aso ng bago nyo pong kapit-bahay."

Tila nagegets ko na ang ibig nitong sabihin. "You mean preggy si Kenshin? K-kaya siya matamlay?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya.

"S-siguro po Ma'am. Pero isang beses lang naman po yon nangyari. Simula nang mangyari yon ay hindi ko na po hinayaan si Kenshin sa labas."

Naaawang napatingin ako sa alaga ko at aking hinamas-himas ang ulo at leeg saka ko niyakap.

"Ma'am galit po ba kayo sa akin?" Nakatungo nitong tanong na tila hiyang-hiya talaga sa akin.

Huminga ako ng malalim at napatingin ako rito. "Hindi ako nagagalit sayo Manang Lorna. Wala ka naman kasalanan e. Don ako nagagalit sa gumawa nito sa Kenshin ko."

"Sorry po talaga Ma'am. Kung nagugutom na po kayo. Pwede na po kayong kumain. Tapos na po ako magluto."

"Medyo nagugutom na nga ako Manang. Tara po! Samahan nyo akong kumain."

"Naku! Gustuhin ko man po Ma'am kaso hinihintay ako ng asawa ko sa bahay. Sinusulit lang po ang araw kasi nextweek babalik na naman po siya ng Manila para magtrabaho."

"Ganon po ba? Magdala na lang po kayo ng food sa inyo. Tutal hindi ko rin naman mauubos kasi mag-isa lang ako dito."

"Sige po Ma'am. Maraming salamat po. Teka!" May dinukot ito sa bulsa at iniabot sa akin. "Ma'am sukli po sa mga pinamalengke at grocery. Nandito na rin po ang kumpletong resibo ng mga pinamili ko po." Sa tuwing uuwi ako ng rest house ay sinasabihan ko siya upang maipamili rin ako nito ng mga kakailanganin ko. Naghuhulog ako ng pera sa kanya para pagdating ko ay wala na akong poproblemahin sa mga pagkain at iba pang mga gamitin ko sa bahay.

"No! Manang Lorna sa inyo na po yan. Pangtricycle nyo na po yan pauwi."

"Ma'am masyadong malaki naman pong pera ito. 50 pesos lang po ang bayad sa tricycle."

"Okay lang yan Manang. Hindi na po kayo nasanay sa akin. Ang swerte ko nga po sa inyo e. Masipag na nga ay maaasahan pa sa lahat ng bagay."

"Hindi po sa lahat Ma'am. Kita nyo nga po ang nangyari kay Kenshin."

Just Can't SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon