Althea's POV
Kinaumagahan sa aking pag-gising ay muling sumagi sa aking isipan si Jade. Palagi ko siyang naiisip. Nalulungkot ako kasi hindi ko alam kung kelan siya babalik. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. "What have you done to me Jade? Hindi ka mawala-wala sa isip ko." Maya-maya ay narinig ko ang pag-ungot ni Kenshin. Dali-dali akong bumangon para silipin ito.
Pauli-uli ito sa living room na tila hindi mapakali. Umungot-ungot pa rin ito. "Kenshin are you okay?" Nag-aalala kong tanong rito. Nilapitan ko ito at hinimas sa ulo at leeg. Lumalakas ang pag-ungot niya na tila may masakit sa kanya. "Oh my god! Manganganak ka na siguro Kenshin. Just wait here. Tatawagan ko lang si Dok Oscar." Ngunit pag-dial ko ng number nito ay cannot be reach. Napasapo ako sa aking noo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Lumabas ako ng bahay at idinial ang phone number ng clinic ni Dok Oscar. Ngunit busy ang line. "Shit! Ano ba naman to."
Napatingin ako sa kabilang bahay. Nabuhayan ako ng loob pagkakita ko sa kotse ni Jade na nakapark na sa tabi ng bahay nito. Magkahalong saya at galak ang naramdaman ko. Agad na nagtatakbo ako papunta sa bahay nito. Huminga muna ako ng malalim. Ang lakas kasi ng kabog ng dibdib ko. Saka ako kumatok sa pinto ng tatlong beses. "Jade?" Ngunit tila walang sumasagot. "Jade are you there?" Muli akong kumatok. Ngunit wala pa rin akong naririnig na anumang kaluskos na nagmumula sa loob. Tanging kahol lang ng asong si Ted sa loob ng hindi kalakihang dog house sa kabilang side ng bahay.
"Hey! Althea.." Tinig mula sa aking likuran. Nanlaki ang aking mga mata na tila lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Napalunok ako saka ko siya hinarap.
"J-jade.." Hindi ko napigilan ang sarili ko sa sobrang tuwa. Bigla na lang akong napayakap sa kanya. "Thanks god you're back!"
Natatawang kumawala ito sa pagkakayakap ko. "Hey hey! Wait relax, okay?"
"Jade I need your help." Sabi ko na hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya.
"Yeah I know na manganganak na siya anytime. That's why I'm here. So where is she?"
"Ano siya.. nandon sa loob ng bahay." Sabay turo ko. Nauna ako sa kanyang maglakad pabalik sa bahay ko. Patingin-tingin ako sa kanya habang nakasunod siya sa likuran ko. Sobrang namiss ko talaga siya. Mas lalo siyang gumanda ngayon sa paningin ko. Napapangiti kami sa isa't-isa sa tuwing nagtatama ang aming mga paningin.
Pagdating namin sa loob ng bahay ay nakapanganak na si Kenshin sa loob ng malaking basket na may nakasaping tela sa ilalim na siyang paborito nitong higaan. "Oh, great! She made it without any help." Tuwang-tuwang sambit ni Jade. "Hello! Everyone of you. Welcome to the world cutie puppies." Isa-isang nilinisan ni Jade ang mga tuta bago ibinalik sa piling ng kanilang inahin. Nanghina si Kenshin kaya nakatulog ito kaagad. "Althea, Lola na tayo. My gosh!" Masayang sabi nito sa akin.
"Oo nga e.. Hindi ako makapaniwala na mommy na si Kenshin ko." Naiiling kong sagot sa kanya. Bagaman masaya rin naman ako. "Uhm.. Jade nakapagbreakfast ka na?" Medyo nahihiya kong tanong sa kanya. Tumingin muna ito sa akin at umiling ng bahagya. "Okay good, wait ka lang diyan. Magluluto ako ng breakfast natin."
"No need Althea. Huwag ka na mag-abala pa. Sa bahay na lang ako magbebreakfast."
"Jade I insist! Please dito ka na magbreakfast."
Napatitig na naman ito sa akin na medyo ikina-tense ko. Napapalunok na nagbaba ako ng tingin para makaiwas. "Okay then, if you insist."
"Thanks Jade! Feel at home ha? Doon muna ako sa kitchen." Nakangiting tumango siya bilang tugon.
Jade's POV
Akala ko pagbalik ko ay wala na ang feelings ko para kay Althea. Ngunit bakit ganito pa rin ang epekto niya sa akin? Hindi man ako nakatingin sa kanya kanina ay alam kong panay ang sulyap niya sa mukha ko. Namiss niya kaya ako? 'Oh, that's impossible!' Mahina kong sambit sa sarili ko. Maaari ngang namiss niya ako pero bilang isang kaibigan lang iyon for sure.