Athea's POV
Nasa rehearsal ako para sa preparation ng concert ko. Bagaman namimiss ko na naman si Jade ay kailangan ko muna mag-focus sa aking trabaho.
Habang tumutugtog kami ng banda ay nahagip ng mga mata ko si JC Cabrera na nakatayo sa isang sulok habang pinanonood ako sa pagkanta. Pumayapay pa ito sa akin na medyo lalo kong ikinainis pero hindi ko ipinahalata. Ginantihan ko na lang siya ng ngiti since isa na rin siya sa mga big boss namen sa industriya.
Hinintay nitong matapos ang pagkanta ko saka lumapit sa akin. "Hi Althea.. How are you doing? Good?" Nakangiti nitong bati sa akin.
"Hello Sir JC! Yeah.. Actually marami pang kailangang ayusin. Pero nakaready na namang lahat."
"Oh, that's great! Just let me know if you need my help, okay? By the way, how's the special guest in your concert? Are they good with it?"
"Batchi will coordinate with them Sir JC. She just want me to focus here in my rehearsal and the preparation at all."
Napatango-tango ito. "Alright! I should talk to her then. I want to make sure that everything is fine in your concert." Sabay ngiti nito ng malapad sa akin. Ang hirap magpanggap na masaya sa harap nito. Gayong sa loob-loob ko ay kumukulo ang dugo ko sa kanya dahil sa selos. May nakaraan sila ni Jade at hindi lang iyon dahil talagang may namagitan pa sa kanila. "So pano? I have to go Althea." Nagbeso siya sa akin. "Goodluck!"
"Thank you Sir JC!" Nginitian ko siya bagaman may halong kaplastikan ang ngiting iyon.
Pagkatapos ng rehearsal ay nagpahatid na ako sa condo ko to take some rest. Nakakapagod rin ang maghapong pag-eensayo ng aking mga aawitin at sasayawin sa darating kong concert. Pihadong maaga akong makakatulog nito sa sobrang pagod.
Nakatulog na ako sa byahe sa sobrang traffic. It will takes 20 minutes only without traffic pero inabot kami ng one in a half hour. Kaloka!
Pagpasok ko sa loob ng condo ay may naaamoy akong kakaiba. Parang fresh flowers ang amoy na tila nagmumula sa loob ng kwarto ko. Kinabahan akong bigla. My gosh! Baka pakulo na naman ni Rocco pero huwag naman sana. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nanlaki ang aking mga mata sa nabungaran ko. Puro petals ng red roses at candles ang nakakalat sa buong kwarto pati rin sa ibabaw ng kama.
May naririnig akong kaluskos sa loob ng banyo. Parang may idea na ako kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Na-excite akong bigla habang kakaba-kaba. Sinubukan kong pihitin ang door knob ng banyo upang malaman kung may tao nga ba sa loob. Ngunit sa aking pagbukas ay isang mala-diyosa sa kagandahan ang aking nabungaran. Wala itong anumang saplot na nakababad ang katawan sa bath tab. "Surprised!" Nakangiti niyang sambit.
"Oh my god! MK?" Gusto kong maiyak sa sobrang tuwa. Namiss ko siya sa loob ng tatlong araw na hindi namin pagkikita.
"Do you like it?" Pagtutukoy niya sa ginawang kalat sa loob ng kwarto ko.
"No! I don't like it." Pabitin kong sagot na ikinasimangot niya. Bahagya akong napangiti sa kanyang ka-cutan. "Because I love it! I love it mahal ko." Tatawa-tawang sinugod ko siya ng yakap. Hinampas niya ako sa braso dahil sa inis. Pero kinikilig na napahagikhik naman siya ng tawa pagkatapos.
Nabasa na rin tuloy ang damit ko dahil sa ginawa kong pagyakap sa kanya. "Sandali lang MK. Huhubarin ko lang ang mga damit ko." Pagkatanggal ko ng aking mga saplot ay tinabihan ko na siya at niyakap ulit. Damang-dama namin ang aming kahubaran na tila unti-unti na namang tinutupok ng apoy kahit na napakalamig naman ng tubig. Sinimulan ko siyang halikan ng mariin sa labi at tumugon naman siya. Ngunit biglang sumagi sa isip ko ang paglapit sa akin kanina ni JC kaya't bigla akong natigilan. Tila nawalan ako ng ganang makipaghalikan sa kanya.