Yes or No?

3.8K 169 9
                                    

Althea's POV

Tumigil ako sa isang tabi ng kalsada. Naghihintay ng paghupa ng ulan at baha. Nauubusan na ako ng pasensya ngunit kailangan kong magpakatatag.

May mga mediang nagdadatingan. Nakatunog siguro na may isang celebrity na nagpipilit na pumasok sa restricted area. Upang makaiwas ay kinailangan ko munang lumikas sa lugar na iyon. Wala ako sa mood na magsalaysay ng reason ko kung bakit naroroon ako.

Nagtungo ako sa pinakamalapit na Hotel. Wala akong choice kundi ang maghintay ng tamang pagkakataon. Sobrang akong nag-aalala para kay Jade.

I tried to contact her number but it's out of coverage area. Wala naman akong mumber ni Doc Oscar. Siya lang ang pwedeng makatulong sa akin. Teka! Si Manang Lorna nga pala. But her number is switch off. "Damn!" Itinapon ko sa kama ang celpon ko. Naiiyak na napahawak ako sa ulo ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Baka kung ano nang nangyayari sa kanya doon. Lalo't napakalapit niya sa dagat.

Uminom ako ng tubig upang pakalmahin ang aking sarili. Panay ang hinga ko ng malalim. Patingin-tingin ako sa labas. Medyo mahina na ang ulan. Umaambon-ambon na lang ng konti. Lumiliwanag na rin ang paligid. Tiningnan ko ang oras. Alas kwatro na ng madaling araw. Tatlong oras na pala akong nakatengga at wala pa ring magawa. Hindi alintana sa akin ang pagod at puyat.  

Nag-early check out na ako upang mapuntahan ko na si Jade. Pagdating ko sa parking lot ay may isang lalaki na nakatawag sa aking pansin. Pasakay ito ng sasakyan at pick up ang dala nito, GMC Sierra 1500 na kulay itim.

"Excuse me Sir!" Agaw pansin ko sa kanya. Biglang sumilay ang malapad kong ngiti nang mapagsino ko ang lalaki. "Architect Peter? Oh my God! Ikaw ba yan?"

Halos mawala na ang mata nito nang biglang ngumiti rin sa akin. "Oh, hi Althea? What are you doing here? Kasama mo ba pinsan ko?" Tumingin ito sa likuran ko na waring hinahanap ang pinsan nitong si Batchi at muling ibinalik sa akin ang pansin nang mapagtanto nito na mag-isa lang ako. Muntik ko na makalimutan na isa ito sa mga naging ex-boyfriend ni Jade. Paano nga pala ako makakahinge ng pabor sa kanya?

"Uhm.. Pauwi ka na ba ng Manila?"

"Oo Althea, may meeting akong hahabulin. Kaya maaga akong aalis. Pero babalik din ako mamaya para masimulan na namin bukas ang project dito sa Hotel."

"Ganon ba? Pwede bang makahinge ng pabor sayo? Kailangan ko kasing magpunta sa resthouse ko sa San Miguel."

Napaisip itong sandali. "Teka delikado pa sa place na yon ah. Ano bang pabor ang hihingin mo sa kin?"

"Pwede.. pwede bang makipagpalit ng sasakyan sayo? Maliit kasi itong kotse ko. Baka lumubog ako sa putikan." Nakangiwi kong sabi sa kanya.

Napatawa itong sandali ng bahagya. Ang cute tuloy nitong tingnan. Nakakapagtakang pinaglaruan lang ni Jade ang lalaking ito gayong okay naman ito at napakabait pa. "Pasalamat ka Althea malakas ka sa akin." Iniabot nito ang susi sa akin at iniabot ko rin sa kanya ang susi ng kotse ko.

"Thank you- thank you ng marami Architect. Mauuna na ako sayo. May kailangan lang akong i-save na tao."

"Wait Althea.. mag-iingat ka." Naiiling na sinundan lang niya ako ng tingin hanggang sa makalayo.

"Jade papunta na ako. Sana okay ka." Naiiyak kong sambit.

+++++++

Good thing na pinapalampas sa check point ang mga malalaking sasakyan. Kaya't nakalusot ako.

Ang daming puno na nagtumbahan. Karamihan sa mga bahay ay may mga sira at tanggal ang mga bubong.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaalamang gawa lang sa wood ang resthouse namin ni Jade. Sana lang ay safe siya at walang nangyaring masama sa kanya.

Just Can't SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon