Jealous Jade

5.4K 196 3
                                    


Jade's POV

Buong gabi na hindi ako makatulog dahil sa ginawang pagtugon ni Althea sa aking halik. Hindi siya mawala sa isip ko. Kay lambot ng kanyang mga labi. Iyon na yata ang pinakamasarap na halik na natikman ko buong buhay ko. Napabaligwas ako ng bangon sa aking pagkakahiga sa kama at pauli-uli akong naglakad sa loob ng kwarto. Hindi kasi ako mapakali. Naalala ko na may mga picture kaming kuha sa cellphone ko. Dinampot ko iyon sa may bedside table at napapangiting pinagmasdan ko iyon isa-isa. "I like her." Biglang nasambit ko. "I think I like her.

Kailangan kong alamin kung gusto niya rin ako. Because in the first place ay hindi siya tutugon sa halik ko kung wala. Padapang ibinagsak ko ang aking sarili sa malambot kong kama at niyakap ko ang isang unan ng napakahigpit. Hanggang ngayon ay naaamoy ko pa rin ang sweet scent na gamit niyang perfume pati na ang mabango niyang buhok. Hindi ko naman sinasadya na ma-out of balance at mapayakap sa kanya. Pero yong kiss? Oh my god! Sinadya ko iyon. Hindi ko napigilan ang sarili ko na halikan siya. Napapangiti na naman tuloy ako sa kapilyahan ko.

Kinaumagahan sa aking pag-gising ay may narinig akong tunog ng sasakyang paparating. Dali-dali akong bumangon para silipin iyon sa may bintana. Isang napakagwapong lalaki ang bumaba sa napakagara nitong sasakyan. May bitbit itong flowers at isang paper bag na tila foods ang laman. Sinundan ko ito ng tingin. Mukhang bisita ito ni Althea. Nagtungo ito sa may terrace at naupo sa isang upuan na naroroon. Nakapagtatakang hindi ito kumakatok sa pinto. Patingin-tingin lang ito sa suot na relo. Hindi kaya boyfriend siya ni Althea? Nalungkot akong bigla sa kaalamang iyon. Lumabas ako ng bahay at nagtago ako sa likod ng isang malaking puno. Maya-maya lang ay bumukas na ang pinto at iniluwa si Althea. Halatang bagong gising ito pero napakaganda pa rin.

"Suprise!!!" Narinig kong bulalas ng lalaki.

"Bebe naman e.. Bakit ang aga-aga mong manggulat?"

Ang sweet at ang sigla ng boses ni Althea at tinawag pa niyang bebe ang lalaking iyon. So confirmed na boyfriend niya nga ang lalaking dumating. Sumikip ng bahagya ang dibdib ko.

"Goodmorning Bebe.. Flowers for you. Nagdala rin ako ng breakfast natin." Sabay halik pa nito ng mabilis sa labi ni Althea. "Sobrang namiss kita."

Tumawa si Althea na tila masayang-masaya. "Para namang hindi tayo palagi magkausap sa phone. Doon nga tayo sa loob. Medyo mainit na dito."

Nalungkot akong bigla. Laglag ang mga balikat na bumalik na ako sa loob ng bahay ko. Agad naman akong sinalubong ng aso kong si Ted na giliw na giliw sa akin. "May boyfriend pala siya Ted. Pero bakit siya tumugon sa halik ko?" Himutok ko sa aso ko. "Well, siguro curious lang siya." Napabuntong hininga ako pagkaraan. "Kung ganon kailangan kong idistansya ang sarili ko sa kanya. Bakit ba kasi ako nagkakagusto don?" Muli kong maktol na animoy tao rin ang kausap ko. "Ted sagutin mo naman ako kahit ngayon lang please at pakisampal na rin ako sa pisnge." Mukha na akong baliw sa ginagawa ko.

Pinaliguan ko na lang muna si Ted matapos kong pakainin. Saka ako naligo para maghanda sa pagpasok sa clinic. Tuwang-tuwa ako sa alaga kong aso dahil naiiwan ko ito sa bahay ng maghapon. May sarili itong tahanan sa labas ng bahay at pinapainan ko lang ng maraming food.

Palabas na sana ako ng bahay nang matanawan ko sina Althea at ang boyfriend nitong sweet na sweet sa isa't-isa habang magkaakbay na naglalakad. Napaatras ako upang hindi nila ako makita.

"Bebe kelan ang balik mo sa Manila?" Narinig kong tanong ng lalaki.

"Hindi ko pa alam Bebe. Tatawagan na lang raw ako ni Batchi. Sa ngayon ay mag-enjoy muna raw ako dito."

"Kung hindi lang ako busy sa work ay sasamahan na lang kita rito Bebe."

"Alam ko naman yon. Siyempre trabaho yan e. Isa pa gusto ko rin muna mapag-isa."

Just Can't SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon