Althea's POV
We invited some of our friends in a bar, including all of my celebrity guest for the another positive result of my solo concert.
Ang iba ay sumaglit lang pero umuwi na rin agad. Ang isa kong kaibigan na si Solenn lang ang co-star ko na nag-stay kasama ang mga non-showbiz friends ko pati na rin ang mga friends ni Jade.
Ingat na ingat kami ni Jade na mahalata nila ang aming relasyon. Tanging sina Batchi at ang barkada lang niya kasi ang nakakaalam.
Katabi ko si Solenn sa may kaliwa ko habang si Jade naman sa aking kanan. "Where is Rocco nga pala Althea?" Bulong sa akin ni Solenn na wari ko ay narinig rin ni Jade.
"Sinabi ko na sayo di ba? Break na kami."
Napatango-tango ito matapos tumungga ng beer. "But I saw him in the concert. I thought na okay na ulit kayo. Nakita ko pa nga siya na pumasok sa dressing room mo na may dalang flowers."
Tumingin ako sa kanya ng diretso. "Okay na nga kami Solenn. Okay kami bilang friends." Nangingiti kong tugon sa kanya.
Tiningnan ako nito na tila hindi makapaniwala at bagkus ay napailing. "Ibang klase ka ring babae ka. Ang bilis mong maka-move on. Bakit may kapalit na ba?" Muling sulyap ulit nito sa akin. Kita ko sa sulok ng mga mata ko na nakasimpatya sa amin ang girlfriend ko sa kabilang tabi.
"Huwag ka ngang maraming tanong Solenn. Mas mabuti nang wala kang alam. Mamaya magtanong pa sayo ang media at madulas ang bibig mo."
Sa halip ay napatawa ito. "Ang hard mo talaga sa akin kahit kelan, Althea. But anyway sige, mas mabuti nga sigurong hindi ko alam."
"It's your turn Solenn!" Sabay abot ni Batchi ng shot glass ng tequila na siyang tanggera ng alak sa aming grupo.
Nakangiting kinuha nito iyon sa kamay ni Batchi at walang sabi-sabing ininom. "Ahh! Wooh!" Sabay subo ng isang maliit na hiwa ng lemon. Hiyawan silang lahat maliban sa aming dalawa ni Jade na nakatingin lang sa kanila.
"Solenn kapag lasing ka na pwedeng tumanggi. Magdadrive ka pa pauwi baka mapano ka." Paalala ko rito. Alam ko kasing wala siyang kasamang driver.
Ngunit tinawanan pa niya ang sinabi ko. "Althea sanay na akong magdrive ng lasing. And one more thing, malapit lang ang building ng condo ko rito." Pagkatapos ay inilapit nito ang bibig sa tenga ko. "So no worries baby! I'll be home safe." Bulong nito na tumawa ulit.
Pasimpleng lumayo ako sa kanya at sinulyapan ko Jade. Pansin ko na iba na ang timpla ng mukha nito. Kaya't hinagilap ko ang kamay niya at pinisil-pisil.
Maya-maya lang ay may lumapit na empleyado sa kanya at pinalis na niya ang kamay ko. "Ma'am Jade kailangan raw po kayo ni Ma'am Wila sa office. Sandali lang daw po iyon kung maaari."
Tumango siya at tumingin ng masama sa akin. "Pakisabi susunod na ako Robert." Nag-excuse siya sa aming lahat, saka tumayo at walang lingong likod na umalis. Sinundan ko lang siya ng tingin habang papalayo.
"Hmm.. I smell something fishy." Hindi ko alam na nakamasid pala sa akin si Solenn. Ang iba kong mga kaibigan ay busy sa ibang bagay kaya hindi kami pansin.
Mabilis na napasulyap ako rito. "A-anong pinagsasasabi mo diyan?" Kinakabahan kong tanggi sa kanya.
"Okay lang kung hindi mo aminin sa akin Althea." Sabay kindat nito. "Oh, sayo naman itong sunod na shot." Kinuha nito iyon sa kamay ni Batchi at siya ang nag-abot sa akin.
Patay malisyang tinanggap ko iyon at ininom. Inabutan ako ni Bianca ng isang hiwa ng lemon. Inunahan nito si Solenn na tila nakakaramdam na ng hindi maganda sa babae. "Thanks Biankie!" Nakangiti kong sabi rito. Tumango lang ito na gumanti rin ng ngiti sa akin.